NAGPAHAYAG ng pag-asa si Defense Secretary Gilbert C. Teodoro na nalalapit na ang pagwawakas ng umiiral ng hostage crisis sa Sulu.
Sana nga!
Sabi ni Teodoro patuloy na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang siguruhin ang kaligtasan at kalayaan ng dalawang International Red Cross workers na sina Andreas Notter at Eugenio Vagni na kapwa bihag ng bandidong grupong Abu Sayaff.
Kamakailan lang nakita ng madlang people sa tulong ng dasal ay pinalaya na ng Abu Sayyaff ang Filipina Red Cross volunteer na si Mary Jean Lacaba.
Ika nga, masuerte!
Ang kaligtasan ng mga biktima ang pangunahing prioridad ng pamahalaan, na mananatili ang “military options” sakaling hindi magtagumpay ang kasalukuyang mga negosasyon sa mga bandidong grupo.
“Our policy is crystal clear: government will not pay ransom as this will only encourage more abductions in the future. We are determined to restore the rule of law in Sulu and other areas in Mindanao where Abu Sayyaf operates and to bring them to justice. The abduction of Red Cross workers is a brazen criminal act that will not go unpunished,” sabi ni Teodoro sa mga kuwago ng ORA MISMO, ng makaututan dila ito.
Naniniwala si Teodoro na positibo ang ibubunga ng kasalukuyang joint civilian-military efforts na naglalayong mapalaya sina Notter at Vagni sa lalung madaling panahon.
Ayon sa Kalihim patuloy ang koordinasyon ni Sulu Governor Abdusakur Tan, na siyang pinuno sa local crisis group, sa pamunuan ng militar na nagsasagawa ng pagtugis sa Abu Sayyaf, upang hanapan ng payapang resolusyon ang crisis.
Nagdeklara ng State of Emergency and Lalawigan ng Sulu noong March 31 sa kasagsagan ng crisis upang matugunan ng local ng pamahalaan ang suliranin.
Inatasan naman ni Teodoro and National Disaster Coordinating Council, na siya ring chairman nito, na tiyakin ang kalagayan ng mahigit sa pitong libong mga residente ng Sulu na apektado ng umiiral na State of Emergecy sa lalawigan.
Iniulat ng NDCC last Friday na tinatayang nasa 1586 families ang umalis ng kanilang mga haybol dahil sa patuloy na banta ng panganib kaugnay sa naka-ambang opensiba ng military laban sa bandidong grupo.
Sabi nga, maubos na sana ang mga kamote!
Habang patuloy ang krisis, gustong tiyakin ni Teodoro na nasa mabuting sitwasyon ang mga “displaced residents” ng Sulu hanggang sa sandaling manumbalik na ang normal na sitwasyon sa lalawigan.
Thank you, Constellation Work Shop
MALAKI ang itinulong ng mga tauhan ng Constellation Work Shop sa kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng mayari ang sasakyan nila matapos ang Lenten season the other week.
Natutuwa ang mga kuwago ng ORA MISMO, kay Terence Coseip, owner ng nasabing talyer dyan sa Cabrera St., Pasay City at sa kapatid nitong si Philip na namamahala dyan sa may Dian, Makati City.
Napakababait at magalang pa ang mga tauhan ni Ka Terence na sina Dennis Menguito, general manager dyan sa Cabrera St., Pasay City mga kabig niyan sina Reniel Suguib, Gabriel Repasa, Jonathan Lascano, Julius Lascano, mag-uutol na Lomante, Elimar at Ronald Agustin, Jay-ar Camacam at Nathaniel Lascano.
Ang mga ito ay maasahan at super kidlat sa trabaho kaya pala lumalago ang motor shop ni Ka Terence dahil sa husay ng kanyang mga employees sa talyer.
Keep up the good work, thank you again mula sa mga kuwago ng ORA MISMO!
POEA, magtrabaho kayo
SIGURO panahon na para bulatlatin ng POEA ang mga kontrata ng ating mga pinoy seaferer para huwag naman malagay sa peligro ang kanilang mga life.
Kayang-kaya ng POEA na imonitor ang mga kontrata ng ating mga seamen kapag nakuha sila para maghotraba sa aboard este mali abroad pala para naman hindi malagay sa panganib ang kanilang mga buhay kapag may mga gagong hostages taker na umaakyat sa kanilang mga barko.
Madali lamang tiktikan ng government of the Republic of the Philippines ang kanilang mga napirmahan kontrata dahil alam nila kung saan pupunta ang ating mga marino kapag umakyat na ito sa barko.
Isipin nilang hindi biro ang nangyayari sa mga marinong tinitira ng mga piratang Somalia mga gago kasi ito at walang pakialam kundi ang magkapitsa lamang tulad ng grupo ng mga rebeldeng muslim dyan sa Mindanao.
Sana pagaralan mabuti ng POEA ang kanilang mga port assignment para malayo sa grasiya este mali disgrasiya pala ang mga pinoy seaferer.
Abangan.