Surrexit, non est hic
“JESUS, quaeritis Nazareum, crucifixum: Surrexit, non est hic ecce locus ubi posuerunt eum. Hinahanap ninyo si Jesus, ang taga-Nazaret na ipinako sa krus. Wala na siya rito. Siya’y muling nabuhay. Tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kanya”. “Surrexit enim, sicut dixit. Sapagka’t siya’y muling nabuhay tulad ng kanyang sinabi”
“Et vidit, et credidit nakita niya at sumampalataya”
Ngayon ang pinakadakilang araw ng pagdiriwang ng lahat ng mga kristiyano na higit pa sa pagdiriwang ng Pasko (Christmas), ang Kapanganakan ni Jesus, isinilang ni Maria na ating ding Ina. Ang kapistahan ng Muling Pagkabuhay ni Jesus ang tagumpay ng kanyang misyon kung bakit pinadala siya ng Ama upang sagipin tayo laban sa kasamaan.
Hindi matanggap ng ibang nilalang sa mundo ang araw na ito. Hindi nila matanggap ang pahayag na: “Surrexit, non est hic” na si Jesus ay muling nabuhay. May ibang relihiyon na tinanggal ang koma sa pangungusap na Latin at inilagay pagkatapos ng salitang non upang ipahayag nilang si Jesus ay hindi nabuhay na muli. Kaya ang ginawa nila “surrexity non, est hic” sa halip na paniwalaan at sampalatayanan ang surrexit, non est hic.
Ang Kristiyanismo ay ang relihiyon ng mga naniniwala na si Jesus ay Diyos na totoo at tao namang totoo. Si Jesus ay pinadala ng Ama upang iligtas tayo sa apoy na walang hanggan. Meron din namang relihiyong Kristiyano subalit hindi matanggap na si Jesus ay ating kapatid. Ibig sabihin hindi wagas ang kanilang paniniwala sa panalangin na itinuro sa atin ni Jesus: Ama namin sumasalangit ka (Lord’s Prayer Mt 6:9-13; Lk 11:2-4). Merong mga Kristiyano na hindi naniniwala sa Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo. Paano raw naging kapatid ng mga Katoliko si Jesus? Napakaliwanag noong turuan ni Jesus ang ating mga ninuno ng panalangin ay maliwanag na ibinahagi Niya sa atin ang Kanyang Ama. At dinadasal din naman ng mga relihiyong Kristiyano yaon ang Ama Namin. Tinuruan tayo ni Jesus magdasal. Ibig sabihin ang Ama ni Jesus ay atin ding Ama. Hindi naging makasarili si Jesus. sinabi ba niya: Ama ko? Maliwanag ang itinuro sa ating Ama Namin (Our Father).
Maging si Pedro sa kanyang pangangaral na ang mga naniwala kay Jesus ay makatatanggap ang kapatawaran. Sabi naman ni Pablo na lagi nating itaas ang ating mga isipan sa kinaroroonan ni Jesus at hindi sa mga bagay sa daigdig na ito. Ibig sabihin pinaghandaan ni Jesus ang ating buhay na walang hanggan!
Maligayang Pasko ng Pagkabuhay!
Gawa 10:34a, 37-43; Awit 118; Col 3:1-4 at Jn 20:1-9
- Latest
- Trending