Good Friday miracle sa EDSA
TOMORROW Good Friday sa kauna-unahan pagkakataon ngayon 2009 mararanasan ng madlang people sa Philippines my Philippines ang kababalaghang mangyayari sa EDSA pagsapit pa lamang ng madaling araw onward.
Bakit? Walang traffic dahil luluwag ang nasabing lansangan na ikagagalak sa tuwa ng mga driver na dumadaan everyday and holiday sa matrapik na lansangan.
Kaya naman nakakatiyak ang mga kuwago ng ORA MISMO, na may matutuwang driver at malamang pumalakpak pa sa mararanasan niyang alaws traffic sa EDSA sa kauna-unahan pagkakataon ngayon year 2009. Hehehe !
Bultu-bultong mga sasakyan mapadambuhala man o maliit na kotse ang kalahati sa kanila ngayon ay tomorrow ay nasa mga province na kapiling ang kanilang mga mahal sa life.
Magbunyi ang madlang people for the first time sa year 2009 walang traffic bukas sa EDSA.
Multi - billionaire businessman sa 2010
NAGMUMUNI - MUNI ngayon kuaresma ang isang multi - billionaire businessman na may balak tumakbo sa May 2010 Presidential Election at babangga sa mga traditional politician sa Philippines my Philippines.
Walang karanasan sa politics ang multi - billionaire businessman pero secret admirer este mali supporter pala ito ng ilang politiko na mahilig tumakbo karera este halalan pala.
Matindi ang multi-billionaire businessman kapag sumabak sa politika pagpasok ng 2010 dahil may sapat itong makinarya na wala ang ibang kandidato at may solid vote ito ng hindi bababa sa dalawang million o sobra pa.
Hindi muna babanggitin ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pangalan ng susunod na panggulo este mali Pangulo pala ng Republic of the Philippines habang pinipintahan pa ang kanyang kapalaran sa pagpasok sa maruming halalan.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, aayusin lamang ng multi - billionaire businessman ang ekonomy ng Republic of the Philippines at burahin ang corruption na ikinasisira ng madlang pinoy sa mata ng mga foreigner echetera.
Masuerte aniya ang magiging Vice- President ng multi - billionaire businessman kapag nagkataon dahil sa plano ng ating magiging bida bababa siya after three years sa kanyang puesto at ibibigay sa kanyang pangalawang panggulo este pangulo pala kapag gumanda ang takbo ng people of the Philippines my Philippines.
Hindi biro ang multi-billionaire businessman tandaan ninyo mga kamote!
Abangan.
Mananaya galit kay Jockey Hernandez
HALOS magwala ang mga mananaya ng matalo at masingitan si Ocean Blue ang kabayong nirendahan ni superstar Jockey Jonathan Hernandez the other week dyan sa Sta. Ana Park, Cavite.
Llamadung-llamado si Ocean Blue na tinalo ng isang de remateng yokaba ang Bootleg, isang dehado na ikinagalit ng mga mananaya sa loob at labas ng karerahan.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nag-monkey ride daw si Hernandez ng malapit na ito sa meta sa akalang sobra-sobra siyang mananalo iyon pala nasingitan ni bootleg.
Sabi nga, belat!
Isang taon sinuspinde ng Philippine Racing kunsumisyon este mali Commission pala si Hernandez dahil sa pangyayari.
Kamakailan lamang ay sinuspindi rin ng PHILRACOM si Hernandez dahil sa pagkatalo ng kabayong nirendahan nito pero umapela ang hinete at pinatawad naman ng mga hustisyang nagpataw ng 1 year suspension kaya dahil sa reconsideration ay ang kabayo na lamang na sinakyan nito ang suspendido.
Hay buhay karera!
Sana masilip ng mga taga-PHILRACOM ang ibang hinete na pumiperder sa kanilang mga sinasakyan kabayo.
May matindi kasing sindikato daw ngayon sa karerahan ng nagdidikta kung anong numero ang mananalo.
Abangan.
- Latest
- Trending