BUKAMBIBIG ngayon ng ilang nagdurugong pusong pulitiko ang PAYATAS tragedy. Kung hindi daw magkaroon ng himagsikan ng pag-iisip sa (1) pag-prodyus at (2) pag-tambak ng basura, hindi malayong magka-sequel ang trahedya ng killer dumpsite.
Sa pag-prodyus ng basura o waste generation, isang masusing kampanya lang sa disiplina ang katapat. Siyempre, may-bitbit na price tag ang modernisasyon ng ating mga consumer products na kadalasa’y source ng basura. Dahil sa bagong packaging na plastic, styrofoam at iba pang mas magaang at mabilis na component, nagiging mas portable na lahat mula pagkain hanggang TV. Mas dumadami naman ang naiiwang basura at ito pa ang uri na non-biodegradeable o hindi nabubulok at problemang dispatsahin. Buti at hindi karaniwang salaula ang Pinoy sa kanyang paligid kaya’t siguradong makikisama ito sa anumang magandang programa at kampanya sa kalinisan. Ang isang matagumpay na sistema ay siempre’y may ka-parteng malinaw na waste segregation component upang ang pangongolekta o waste collection ay hindi problemado. Sayang at hanggang ngayon ay hindi pa rin full blast ang mga information campaign ng pamahalaan. Isa ito sa mga larangan kung saan mapakikinabangan ang inisyatibo ng pribadong sector na apektado rin ng problema
Kung pakisama ang tanging pag-asa ng isang waste generation and collection discipline campaign, pagdating naman sa pag-tambak o waste disposal, mas may bala ang pamahalaan upang palawigin ang isang epektibong sistema. Una sa lahat, katungkulan mismo ng gobyerno ang pagkolekta at pagtambak ng basura ng taong bayan. Binabayaran natin ito! Kaya’t kung may problema man ay sila ang tampulan ng sisi. Alinsunod dito ay pinasa na noong 2001 ang Environmental Solid Waste Management Act (R.A. 9003) na nagtakda ng mga deadline sa pagtatag ng CONTROLLED dumpsite ng mga LGU para sa sarili nilang basura.
Dapat ay tapatan ang pri badong sektor sa mga hakbang na agapan ang lumalalang sitwasyon ng basura. May parusa ang mga LGU na hindi tumupad sa R.A. 9003. Ito dapat ang umpisahan at sampolan ng DENR upang patunayan ang determinasyon ng pamahalaan.