Shakey's Vleague, palpak!

LAST March 25 to April 5 ang Shakey’s Vleague Summer Camp Training sa volleyball kaya naman dami ang nag-enroll todits porke mura ang yadba at sa buong akala ay matututo ang kanilang mga tsikiting.

Sabi nga, P2,500 maraming freebies!

May 3 session ang volleyball training kaya naman sangkatutak ang naglalaro sa isang maliit at hindi magkasyang basketball court na coverted to volleyball court.

Sabi nga, dalawa lamang ang volleyball court sa sangka­tutak na mga nag-participate sa summer camp halos hindi magkagalawan ang mga batang nag-enroll sa sikip ng kanilang pinagpa-praktisan.

Isa sa mga kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang nag-training sa buong akala ng ermat niya ay matututo ang kanyang anak ng volleyball. Hindi pala!

Kaya tinatawagan natin ang mga bright na organizer nito na i-ayos ang kanilang pa-training para sa susunod ay masulit ng mga bata ang kanilang natutunan kung mayroon man.

Ika nga, sayang lang ang pitsa.

Si Atong at ang dayaan bolahan niya

HABANG tumatagal ay bumabagsik ang pangalan ni Atong dahil kinatatakutan ito ngayon sa tindi ng mga koneksyon kahit na isa itong paroladong kriminal.

Kawawa ang mga sugarol dyan sa Nueva Vizcaya na tumataya sa pa-jueteng ni Atong porke alaws tumatama sa kanila.

Sabi nga, dinadaya kasi!

Magik ang pasugal ni Atong and his group sa Nueva Viscaya na kinukunsinti ng mga bugok na local government todits at mga kamoteng tulisan este mali kapulisan pala.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, computer operated number game ang operation ni Atong puedeng tumaya todits dahil ang pagpipilian numero ay mula 1 to 38.

Ang siste, inaangal ng mga manunugal todits ang operasyon ni Atong kasi nga alaws tumatama sa mga mananaya.

Ika nga, ang mga manggugulang este manunugal pala ay nagugulangan ni Atong.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi daw makagalaw sina Nueva Viscaya Governor Cuaresma at PNP Regional Director Damian. Bakit kaya?

Ipinagmamalaki ng mga alipores ni Atong na hawak sila ng isang top brass official dyan sa DILG kaya kahit na anong gawin ng mga kamote under ng nasabing ahensiya ay alaws gagalaw todits.

Sabi nga, robot. Sinususian!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, iniatras na umano ng Cagayan Economic Zone Authority ang dayaan bolahan operation ni Atong dahil na rin sa tindi ng mga may ayaw sa dayaan bolahan ng mga kamote.

Sabi nga, mga kaparian at madlang people todits!

Iginigisa sa sariling mantika ang mga manunugal na tumatangkilik sa dayaan bolahan ni Atong porke ang computer program ng mga kamote ang siyang nagsasabi kung ano ang nanalong kombinasyon.

Sabi nga, maliwanag na dayaan!

Malaki ang komisyon nakukuha ng mga taong bugok na kinausap ni Atong dito hindi bababa ng 50% sa kabuuan iba pa ang parte ng mga bugok na lespu.

Abangan.

PNP Chief Jesus Ame Verzosa, read this!

LAST Sunday afternoon dyan sa may Divisoria ay may gagong snatcher na pumitas ng dalawang hikaw ni Remedios Palacios, waswit ni Joel Palacios, VP for Communication ng SSS at kabaro natin sa media kaya naman nagwawala ang bebot dahil halos mapatid ang kanyang tenga.

Sabi nga, aray.....huhuhuhu!

Nakilala ng mga taga-Divisoria ang kamoteng namitas ng hikaw ni Mrs. Palacios si KIRAT, ang inginuso kaya naman super bilis nagtungo ang mga pobreng alindawa sa MPD Station 2 na siyang may jurisdiction ng lugar.

Nagulat ang mag-asawa ng makita nila sa loob ng karsel at kumakain si Kirat itinuro nila ito sa mga lespu sa loob ng presinto.

Matapos imbestigahan ang complainant ay pinuntahan ng mag-waswit si Kirat sa karsel para pagpaliwanagin sa kanyang kagaguhan pero ito ay nawalang parang bula sa presinto ng MPD 2.

Maliwanag na may milagrong nangyayari sa Manila Police Station 2 mukhang may kakaiba silang modus operandi.

Sabi nga, magpatakas ng bilanggo para mag- milagro sa labas. Hehehe!

Totoo kaya ito?

Hindi naman siempre mag-iimbento ng kuento ang mag-waswit na Palacios.

Lumang tugtugin ang ganitong style nawala na ito mula ng mabuko sa dyaryo pero mukhang bumabalik ulit?

Kung ganito ang nangyari sa loob ng presinto na naglahong parang bola ang gagong snatcher hindi rin magtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO, na maburo sa mundo ang pangalan ni Kirat porke sasabit ang presinto kapag nagkataon.

Abangan.

Show comments