^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mayroon na namang campaign para magtipid

-

NAKAKATAWA at nakatutuwa na kapag nagsi­simulang umarangkada ang presyo ng pro­duktong petrolyo ay nagkukumahog din sa pagpa­paalala ang pamahalaan na kailangan daw mag­ti-pid ang lahat. Nararapat daw na sa panahong ito ng krisis, kailangang magtipid sa enerhiya. Hindi ba’t noong nakaraang taon din ay ganito rin ang panawagan ng pamahalaan? Noong Marso 2008 ganito rin ang senaryo — nagbabadya ang pagta­taas ng petroleum products at pati ang bigas ay nagsimula nang magpakita ng pagsasalat. Hindi ba’t tila prusisyon ang haba ng pila para makabili ng NFA rice. Mayroon pang mga nagbabangay dahil la­mang sa pila.

Nang hindi na mapigil ang pagtaas ng petro­-   leum products, agad nag-atas ang Malacañang na magtipid ang mamamayan hindi lamang sa gasoline kundi pati na rin sa kuryente at tubig. Ipinag-utos sa mga tanggapan ng pamahalaan na igarahe ang mga sasakyang malakas kumunsumo ng gasoline at hinikayat na mag-commute na lamang ang mga miyembro ng Cabinet. Maaari raw sumakay sa Light Rail Transit o kaya’y mag-dyipni. Sa ganitong paraan daw ay makapagtitipid sa gastusin ang gobyerno, Malaki raw ang matitipid kapag naipa­tupad ang kampanya sa pagtitipid. At nakita ang epekto sa pagtitipid sapagkat nabawasan ang mga sasakyan sa kalsada. Nakatulong pa para maba­wasan ang trapik.

Subalit ang kampanya sa pagtitipid ay agad din namang nakalimutan nang magsimulang bumaba na ang presyo ng petroleum products. Nawala na ang kautusan nang manumbalik ang dami ng bigas sa pamilihan. Sa isang iglap ang kampanya ay na­walang parang bula.

Noong nakaraang linggo, isang panawagan na naman ang ginawa ng pamahalaan, ngayon daw panahon ng tag-init ay kailangang pairalin ang pagtitipid. Malakas daw ang kunsumo ng kuryente ngayon. Kailangan daw umisip ng paraan kung paano makapagtitipid sa kuryente at tubig ganundin sa gasolina. Makatitipid daw ng P7 milyon ang pamahalaan kapag naipatupad ang pagtitipid.

Pagtitipid na naman ang sigaw ng pamahalaan. Mas mabuti kung ang mga pinuno at opisyal ng pa­ma­halaan ang magsisimulang magpakita ng halim­bawa­ sa pagtitipid. Kapag hindi nagpakita ng ha­limbawa, hindi kailanman matutupad ang pana­wagang magtipid.

DAW

IPINAG

KAILANGAN

KAPAG

LIGHT RAIL TRANSIT

MAAARI

NOONG MARSO

PAGTITIPID

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with