^

PSN Opinyon

Impeksiyon sa ihi o UTI

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

Dear Doc Willie, sana ay maisulat mo sa iyong column ang tungkol sa UTI. Madalas kasi ako magkaroon ng impeksyon sa ihi. Ayaw ko naman uminom ng gamot dahil mahal ito. Ano ang gagawin ko? Salamat, Luz.

Hi Luz. Maraming kababaihan ang may UTI o Urinary Tract Infection. Ang impeksyon ay nanggagaling sa ating pantog (bladder) at daanan ng ihi (urethra).

Ang pangkaraniwang dahilan ng UTI ay ang mga ito: (1) kulang ang iniinom na tubig, (2) mali ang paghuhugas sa puwerta (vagina), at (3) laging nagpipigil ng ihi. 

Ano ang sintomas ng UTI? May taong walang nararam­daman. Ang iba naman ay may pananakit sa bandang pantog, lalo na sa dulo ng pag-ihi. Parang mahapdi ang pakiramdam kapag lumalabas ang ihi. Isa pa, madilaw at may amoy din ang ihi.

Madaling malaman kung ika’y may UTI. Magpa-check lang ng urinalysis. P50 lang ito. Kung positibo sa UTI, dapat itong gamutin.

Ano ang gamutan sa UTI?

1. Uminom ng antibiotic ng 3 araw. Ang pinakamura ay ang Amoxicillin 500 mg na tableta 3 beses sa mag­hapon. Halagang P5-P10 lang ang generic nito. Inumin ito ng 3 araw hanggang mawala ang UTI. Kapag hindi gumaling sa Amoxicillin, puwede tayong sumubok ng mas mahal na gamot tulad ng Ciprofloxacin 500 mg na tableta, 2 beses maghapon.

2. Uminom ng 8 hanggang 12 basong tubig sa isang araw. Kailangan mong uminom nang maraming tubig para ma­ba­wasan ang bacteria sa ihi.

Paano iiwas sa UTI?

1. Tulad ng nabang­git, umi­nom ng 8 hanggang 12 ba­ song tubig sa maghapon. Ugaliing uminom ng 1 o 2 ba­song tubig bago kumain. Ma­bubusog ka at papayat ka pa.

2. Huwag pigilin ang iyong ihi. Pumunta sa banyo palagi.

3. Pagkatapos umihi, mag­hugas ng puwerta.

4. Pagkatapos dumumi, dapat din turuan ang mga babae na magpunas ng tissue pataas sa puwit. Huwag magpunas ng dumi paharap at baka pumunta ang dumi sa puwerta ng babae. Ito ang isang dahilan ng UTI.

5. Pagkatapos mag-sex, piliting umihi ng isang beses. Huwag muna matutulog at baka umakyat ang impek­syon sa iyong pantog. Ang tawag ng doktor dito ay Ho­neymoon Cystitis. 

6. Walang masama sa pag-inom ng buko juice o Cran­berry juice. Baka maka­tulong din ito sa UTI.

Simple lang ang pag-iwas sa UTI, (1) uminom nang ma­raming tubig, at (2) ma­ging malinis sa pag-ihi, pag­dumi at sa buong kata­wan. Good luck po.

AMOXICILLIN

ANO

DEAR DOC WILLIE

HI LUZ

HUWAG

IHI

PAGKATAPOS

SHY

UMINOM

UTI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with