^

PSN Opinyon

Bro. Eddie plus Bro Mike equals 10-M votes

- Al G. Pedroche -

MAINIT na mainit ang balitang posibleng magsanib ng lakas ang dalawang religious group na El Shaddai at Jesus is Lord Church sa darating na 2010 sa layuning makapagluklok ng isang leader na maka-Diyos. Kung may tig-limang milyong miyembro ang bawat grupo, sampung milyong boto ang kahulugan nito kung maita-translate into votes. That’s unbeatable huwag lang madadagdag-bawas.

Ayon sa aking impormante, unang nag-usap sa tele­pono sina Eddie Villanueva at Mike Velarde na iisa ang adhikain: Ang pagkakaroon ng isang righteous government. Ang salitang binitiwan umano ni Velarde kay Villanueva ay: “Go for it Bro. Eddie if you feel in your heart God wants you to run.” Diyan daw nag-umpisa ang mas malalim na pag-uusap kasunod ng posibleng pagsasa-nib-lakas ng JIL at El Shaddai.

Kapwa Christian group na may magkaibang doktrina ang JIL at El Shaddai. Pero sa palagay ko, kung nag­kakaisa ng layuning baguhin ang buktot na sistema ng pamamahala, dapat ituloy ang balak at kailangang supor­tahan ng taumbayan.

Hinog na ang panahon para sa isang matuwid na pa­mahalaan. Sa lumang Tipan ng Bibliya, mababasa ang siglo ng mga mabubuti at masasamang hari na umugit sa Israel at Judah. Kapag masama ang hari, mamamayan ang nagdurusa pero kapag naluklok ang maka-Diyos na hari, ang bansa ay pinagpapala.

Kung matutulad ang Pilipinas sa ganyang cycle, mas­yado na tayong nababad sa masamang pamamahala at hindi na ito pahihintulutan pa ng Diyos na magtagal. Panahon na para sa isang mabuting leader para sa Pili­pinas na mag-aakay sa bansa sa landas ng kariwasaan at kapayapaan.

AYON

BIBLIYA

DIYAN

DIYOS

EDDIE

EDDIE VILLANUEVA

EL SHADDAI

HINOG

KAPWA CHRISTIAN

MIKE VELARDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with