^

PSN Opinyon

Tunay na pakay

K KA LANG? - Korina Sanchez -

SA umpisa pa lang ng krisis na ito, alam ko na ang tunay na pakay ng mga bandidong Abu Sayyaf. Kunwari pa ay hindi pera ang hinihiling, kundi para mailagay sa sinag ang paghihirap at paglalaban ng mga Muslim sa Mindanao. Hindi ako kumagat noon, at ngayon nakikita na ang tunay na pakay ng grupong ito. Nais na nilang angkinin ang isla ng Jolo.

May bagong ultimatum na naman ang Abu Sayyaf sa gobyerno, at ito ay ang paglikas ng mga sundalo at pulis sa 10 lugar sa Sulu, kundi pupugutan na nila ang isa nilang bihag! Sa madaling salita, gusto nila na halos wala nang mga sundalo at pulis sa Sulu, at sila na lang ang matitirang armadong grupo sa isla! Pinatutupad na ba nila ang naunsyaming MOA-AD?

Kaya naman hindi ako naniwala sa mga pahayag ni Parad na tanging ang kahirapan ng mga Muslim lang ang gusto niyang bigyan ng pansin kaya nila binihag ang tatlong manggagawa ng ICRC, ay dahil mismo sa ginawa nila sa mga tumutulong mismo sa mga tao sa islang iyon! Walang ibang pakay ang ICRC kundi tumulong sa mga hirap na tao sa lahat ng bahagi sa mundo. Nagbibigay sila ng tulong na medikal, gamot, at inprastraktura sa mga lugar na pinupuntahan nila. Tapos ganyan ang gagawin ng Abu Sayyaf sa kanila?

At kung sakali namang pumayag ang gobyerno sa demands ng mga terorista, ano pa ang pipigil sa kanila na gawin ulit ito sa ibang bahagi ng Mindanao? Ito rin mismo ang dahilan kung bakit patakaran ng maraming bansa sa mundo ang hindi pagbayad ng pantubos sa mga terorista. Nangako na sila na magpapalaya na sila ng isang bihag kapag umatras ang militar. Naganap na iyon, pero wala pang malayang bihag. At ngayon, may bagong demand naman at may banta pa na pupugutan na sila kung hindi susundin.

Kelan titigil ito, kapag sa kanila na ang Sulu? At pagkatapos ng Sulu, anong lugar ang susunod? Paano na pala kung matambangan na ang lahat ng mga ahensiya at organisasyong makatao katulad ng ICRC na ipag­patuloy ang kanilang mga programa at proyektong pantao sa Pilipinas, dahil nga sa peligro na dulot ng mga grupong katulad ng Abu Sayyaf? Sino ang tuluyang natalo? Hindi ba’t ang mga Muslin na rin sa Mindanao? Kung bakit may lakas pa ang Abu Sayyaf bilang isang armadong grupo na tila may basbas ng mga lokal na opisyal ay hindi ko talaga maintindihan. Hindi na pananaw at ideyolohiya ang pinag-uusapan dito, kundi kriminal na intensiyon na!

Hindi ko maisip ang paghihirap na dinadaanan ng tatlong bihag sa mga panahon na ito. Ang dasal ko ay sana matapos na sa mapayapa at maayos na paraan ang paghihirap ng mga bihag, at mapalaya na. Sila’y mga inosente sa pangyayaring ito na nais lang maka­tulong sa kapwa, maging Kristiyano man o Muslim.


ABU SAYYAF

JOLO

KAYA

KELAN

KRISTIYANO

MINDANAO

NAGANAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with