^

PSN Opinyon

'Isinakripisyo ni Tambunting.' (2)

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

HINDI trabaho ng BITAG ang manira at hindi kami basta-basta nagbabanggit ng pangalan ng walang katuturan.

Ang pangalan ng nagmamay-ari ng Tambunting Holdings and Management ay nagmula mismo sa nadulas na Liason Officer ng nasabing kompanya. Ito raw ang nagpapirma umano mismo sa dati nilang empleyado upang gamitin ang pangalan ng biktima bilang Presidente ng Galleon Pawnshop sa Bicol na pag-aari rin ng Tambunting.

Dito, nagpakawala ng mga BITAG undercover ang BITAG upang kumpirmahin pa ang sumbong ng bikti­mang nagrereklamo. Una naming binisita ang Nuestra Señora Pawnshop sa Moriones Tondo, pag-aari rin ng Tam­bunting. Sa bukana pa lang, nakilala na ng mga emple­yado ang aming kasamang biktima.

Lingid sa kaalaman ng mga ito, kasado na ang aming concealed camera at dokumentado namin ang pag-amin din ng mga nakausap naming empleyado. Ang isang kasamahan ng biktima, umaming siya naman daw ang bise-presidente ng isang sanglaang pag-aari rin ng Tambunting subalit hindi niya mapangalanan. Nakalimutan na raw niya ang pangalan nito sa tagal na ng panahon.

Bago pa lamang daw sila noon sa kumpanya at dahil sa kagustuhang ‘wag mawalan ng trabaho, walang katutol-tutol silang pumirma ng mga blankong papel.

Aha! ’yun naman pala, ganito na yata talaga ang kalakaran sa loob ng kumpanya ng Tambunting. Ang gamitin ang pangalan ng kanilang mga empleyado na kunwari’y opisyales ng kanilang mga pag-aaring negosyo. At kapag nagkabulilyasuhan tulad ng mga sinasampang kaso ng Bureau of Internal Revenue o BIR na Tax Evasion, ang ka­awa-awang empleyado ang kawawa at makakasuhan.

Isinunod namin ang main office ng Tambunting. Patas kaming magtrabaho kaya’t nais naming kunin ang kanilang panig sa reklamo ni Ruchel.

Subalit isang empleyado lamang nito ang humarap sa amin at may katarayang tinali­kuran ang aming mga undercover. Binigyan namin sila ng pagkakataong makapagpa­liwanag sana subalit sila naman itong umayaw.

Tinuluyan na ng aming gru­po na lumapit diretso sa tang­gapan ng BIR National Office at dito, ang mismong hepe ng lega­ l Division ang humarap sa amin subalit tumanggi itong magpa-interview ng may camera.

Kaya’t napilitan ang BITAG na ikasa ang aming candid camera…

(Abangan ang huling bahagi)


BUREAU OF INTERNAL REVENUE

GALLEON PAWNSHOP

LIASON OFFICER

MORIONES TONDO

NATIONAL OFFICE

NUESTRA SE

SHY

TAMBUNTING

TAMBUNTING HOLDINGS AND MANAGEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with