^

PSN Opinyon

'Harapin mo ang kaso!'

- Tony Calvento -

SA WAKAS, LUMABAS NA ANG WARRANT OF ARREST na inilabas para sa krimeng Double Murder at Multiple Attempted Murder. No bail recommended

Oras na...oras na para ang iyong mga abogado na maki­pagbakbakan, makipag-iskriminahan ng mga “legal arguments at maneuvers” upang masagawa ng maayos ang iyong depensa.

Inilabas ni Judge Rodolfo Bonifacio ng Branch 159 ng RTC Pasig City ang warrant of arrest laban kay dating pulis P01 Bedo Montefalcon nung March 19, 2009 matapos humirit (ilang ulit na ba ito?) na hintuin ang warrant laban sa kanya ng maghain ng Omnibus Motion to Suspend Issuance of Warrant of Arrest, Defer Arraignment and Suspend Further Proceedings.

Hindi ito kinatigan ng korte at inilabas ang warrant para mahuli siya at upang harapin niya ang mga bintang na ipinararatang sa kanya.

NGAYON pa lamang nais kong sabihin na hangga’t hindi napa­patunayan na walang kaduda-dudang may kasalanan itong si Montefalcon sa korte, sa isang paglilitis, nananatili itong INOSENTE.

Ano na nga ba ang kasong hinaharap nitong si Montefalcon?

Ito ay ang umano’y walang-awang pagpatay nito kina Donnil Dale Guevarra at Jo Alvin dela Cruz, na parehong labing-anim na taong gulang pa lamang nuon.

Kinasuhan rin ito ng multiple attempted murder ng tatlong kasamahan ng mga biktima na sina Tarcila Flores, Timothy James Guevara at Alvedon Cruz.

May 29, 2005 magkakasamang naglaro ang magkakaibigang, Donnil, Alvin, Timothy at Alvedon sa championship game ng basketball na karaniwan na nilang sinasalihan tuwing bakasyon.

Alas-11:45 ng gabi nang ihatid ng magbabarkada si Tarcila sa kanilang bahay sa Brgy. Kalawaan, Pasig City. Ginamit nuon ni Alvin ang kanilang tricycle at sabay-sabay nilang inihatid si Tarcila.

Nakaupo si Donnil sa back seat habang nagmamaneho naman si Alvin. Nasa loob naman ng tricycle ang tatlo pa nilang mga kaibigan.

Binabaybay nila ang Catalina at Manalo Street ng Brgy. Sto. Tomas nang sumulpot ang isang beige na Isuzu Crosswind na may pulang plaka.

Pilit umano nitong ginigitgit sa daan sina Alvin kaya’t muntikan nang sumubsob ang kanilang tricycle sa “gutter” ng daan. Hinarang umano sila ng nasabing sasakyan dahilan upang huminto si Alvin sa pagmamaneho.

Ayon sa mga biktimang nakaligtas, bumaba ang isang lalakeng nakauniporme ng pulis na matapos ang insidente ay nakilala nilang si PO1 Bedo Montefalcon ng Eastern Police District ng Pasig na naka-assign sa Drug Enforcement Unit (DEU).

Nagulat na lang sila nang lapitan umano ni Montefalcon si Donnil at hinawakan ang buhok nito, tinutukan ng baril at binaril sa ulo.

Sinubukan tulungan ng mga nakaligtas ang duguang si Donnil na nakahandusay sa daan. Bumalik umano si Montefalcon sa sasakyan nito at pinagbabaril ang apat na natirang magkakaibigan.

Nakatakbo sina Tarcila, Alvedon at Timothy ngunit sina­wimpalad na naiwan si Alvin sa kagustuhan nitong iligtas si Donnil. Nagtamo ng labing-anim na tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Alvin. Lumabas sa “autopsy report” na sa iba’t-ibang kalibre ng baril nanggaling ang mga balang tumama sa mga napatay na binatilyo.

Dead-on-arrival si Donnil samantalang namatay naman sa ospital si Alvin. Positibong kinilala ng mga kaibigan ng mga biktima si Montefalcon na namaril sa dalawang binatilyo mula sa mga larawan na ipinakita sa kanila.

October 19, 2005 kinasuhan ng Double Murder and Multiple Attempted Murder si Montefalcon ngunit na-DISMISS ito sa resolution na ginawa ni State Prosecutor Misael Ladaga.

Humingi ng tulong si Erly upang makapaghain ng Petition for Review sa Department of Justice.

Binaliktad ni Sec. Raul Gonzalez ang desisyon ni Prosecutor Ladaga nuong September 13, 2006 na nagbigay daan sa pagsampa muli ng kaso kay Montefalcon.

Sinagot naman ito ng Motion for Reconsideration ni Montefalcon. Nabanggit dito ang isang Samir Palao na siya umanong magbibigay ng linaw sa totoong nangyari nuong gabing yun ngunit DENIED ang inihain na motion ng respondent.

Inireklamo ni PO1 Montefalcon si Sec. Gonzalez at ang inyong lingkod sa Office of the President dahil umano sa Grave Abuse of Authority. Isinabay niya rin dito ang paghain ng Appeal sa Presidential Action Center.

Lumabas ang desisyon sa Malacañang at ayon kay Deputy Executive for Legal Affairs Manuel B. Gaite, walang bagong ebidensyang ipinakita si PO1 Montefalcon sa kanyang Appeal. Ang lahat ng isyu na binanggit ng respondent ay hindi na bago dahil na-discuss na ito sa DOJ.

Iniutos ni Sec. Gonzalez sa Pasig City Prosecutor na si Jack Ang na agad i-file ang impormasyon.

February 21, 2009 naghain ng Omnibus Motion to Suspend Issuance of Warrant of Arrest, Defer Arraignment and Suspend Further Proceedings ang kampo nina PO1 Montefalcon.

Nagtakda ng araw upang dinggin ang motion at matapos ang dalawang linggo naglabas ng ORDER si Judge Rodolfo R. Bonifacio:

based on the pleadings of the parties and the evidence on record, finds no merit on the grounds relied upon by the accused... the Office of the President has denied the appeal for the foregoing information.                  

Basically, the evidence on record in these cases will guide the court notwithstanding the pending Motion for Reconsideration before the Office of the President. The allegation of the accused as to the newly discovered evidence referring to the testimony of Samir Palao is evidentiary in nature.”

March 19, 2009 nilabasan ng Warrant of Arrest without bail si PO1 Montefalcon sa kasong Two Counts of Murder at sa kasong Attempted Murder.

Narito ang litrato ni PO1 Bedo Mon­tefalcon. Kung meron kayong impormasyon ukol sa taong ito, makipag-ugnayan kayo sa aming tanggapan o sa National Bureau of Investigation. (KINALAP NI CES DERIT)

Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero ay, 09213263166 o sa 09198972854 at ang aming landline ay 6387285. Maaari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

Email: [email protected]

vuukle comment

ALVIN

BEDO MONTEFALCON

DEFER ARRAIGNMENT AND SUSPEND FURTHER PROCEEDINGS

DONNIL

MONTEFALCON

OFFICE OF THE PRESIDENT

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with