^

PSN Opinyon

Gonzalez malimit pabali-baliktad (1)

SAPOL - Jarius Bondoc -

NU’NG sinisiyasat ang kaso ng Alabang Boys nu’ng Enero, may napansing kataka-taka ang mga kongresista kay Justice Sec. Raul Gonzalez. Hayo’t sinabon niya ang narcotics major sa pagdungis sa departamento niya nang akusahang nasuhulan ang prosecutors para pahinain ang kaso ng drug suspects. Pero anila halatang napakabait niya sa abogado ng suspects na gumamit ng stationery ng opisina niya nang walang pahintulot. Noon din, inatasan ni Gonzalez na imbestigahan ng NBI ang suhulan. Pero maya’t maya niya pinawalang-sala ang prosecutors miski hindi pa nakapag-susumite ng ulat ang agents. At iginiit niya sa Kongreso na parati niyang tinitiyak na sinusunod ang mga utos niya. Pero wala siyang kibo nang sumum-pa ang prosecutors na hindi nila puwedeng sunurin ang isang partikular na direktiba dahil baka mahabla sila ng paglabag ng civil rights.

Napabalita ang iba pang di-maintindihang kilos ni Gonzalez. Sa kaso ng Balasan Boys, umamin ang Iloilo chief prosecutor na hindi niya alam na may utos si Gonzalez na otomatikong rerepasuhin niya lahat ng drug cases. Kibit balikat lang ang Kalihim sa subordinate na sumusuway sa kanya. Mas malala ang kaso sa Zamboanga City. Nirepaso ni Gonzalez — at inaprubahan nu’ng 2007 — ang paghabla sa isang drug lord na Tsino. Pero nitong nakaraang Dis­yembre, sa gitna ng paglilitis, ipinaatras niya sa city prosecutor ang habla dahil umano’y “mahina ang ebidensiya.”

Dapat ikagalit ng amo ni Gonzalez na si Gloria Arroyo ang malimit na pag-urong-sulong niya. Inip pa naman si Presidente sa mga kasong droga, kaya umaakto ngayon bilang anti-drug czarina. Personal pang nirepaso ang kaso ng Alabang Boys: Ipina­hab­la ang tatlong suspects, pina-suspinde ang limang sangkot umano sa suhulan, at pina-imbestigahan ang major dahil sa pagpa­palaya sa driver sa buy-bust operation. Pero tila pinalalampas ni Arroyo ang pagbali-balik­tad ni Gonzalez sa mga isyu. Kung bakit, silang dalawa lang ang nakaaalam.

Hindi lang sa mga ka­song droga baliktarin si Gonzalez. Gan’un din siya sa ibang mga kasong kri­minal. Bakit kaya?  (Itutuloy bukas)

ALABANG BOYS

BALASAN BOYS

GLORIA ARROYO

GONZALEZ

JUSTICE SEC

NIYA

PERO

RAUL GONZALEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with