Isinakripisyo ni Tambunting.
MAGING FALL GUY, eto pala ang kahihinatnan ng labing-limang matapat na pamamasukan ng isang appraiser sa Tambunting Pawnshop. Ang biktimang luma-pit sa BITAG na si Ruchel.
Siyang walang kamuwang-muwang na isinakripisyo upang akuin at pagdusahan ang panloloko at pagnanakaw sa pamahalaan ng kanyang pinapasukang kumpanya.
Appraiser sa Nuestra Senora Pawnshop sa Moriones Tondo si Ruchel, isang sanglaang pag-aari ng Tambunting Holdings and Management Corporation.
Labinlimang taon na ang nakararaan nang papirma-hin umano si Ruchel sa mga blankong papel ng nasabing kompanya. Bago pa lamang siya noon at dahil ayaw mawalan ng trabaho pinirmahan niya ito.
Iyon pala, ginawa siyang dummy o front, ginamit ang kanyang pangalan bilang Presidente ng Galleon Pawnshop, isang sanglaan naman sa Bicol na pag-aari rin ng Tambunting.
Ang siste, kahit minsan, hindi pa nakarating ang pobreng empleyado sa Bicol at hindi pa nakikita ang opisina ng Galleon Pawnshop.
At dumating na ang bulilyaso, hindi pala nagbabayad ng tax o buwis ang Galleon Pawnshop sa Bicol, nagsampa ngayon ng kasongTax Evasion ang Bureau of Internal Revenue sa Bicol.
Ang nakasuhan, si Ruchel, dahil siya ang nakapangalang presidente sa Galleon Pawnshop. Ang masaklap pa rito, may warrant of arrest na pala ang biktima at siya ang naikulong sa National Bureau of Investigation ng tatlong araw.
At ang kawalanghiya-ang ginawa raw ng kan-yang kompanyang matapat niyang pinagsilbihan, ang Tambunting, hindi na siya pinagkakausap ng sinuman sa mga ito.
Ultimo singko, hindi siya nabigyan ng pampiyansa. Pagkalaya sa kulungan, tinerminate pa siya ng Tambunting sa kanyang trabaho.
Tinawagan muna ng BITAG ang liason officer ng Tambunting na ayon kay Ruchel, ito raw ang nagkumbinsi sa kanyang pu mirma na gamitin ang kanyang pangalan para ma- ging president ng Galleon’s Pawnshop sa Bicol.
Hindi kami nahirapang paaminin si Celso, ang liason officer ng Tambunting dahil lumabas mismo sa bibig nito na ang nagpapirma ng mga blankong papel kay Ruchel ay ang may-ari mismo ng Tambunting.
Pinangalanan niya itong Miguel Tambunting… abangan ang susunod na bahagi.
- Latest
- Trending