^

PSN Opinyon

Toy gun, Dacer issue vs Joseph Estrada

- Al G. Pedroche -

NATATAWA pati si Senate President Juan Ponce Enrile   sa balitang kakasuhan ng “gun toting” sina dating Pre­sidente Estrada at Makati Mayor Jojo Binay dahil sa pagdadala ng replica ng machine-gun sa isang parada sa Cebu kamakailan. Kailan pa raw naging gun toting ang pagbibitbit ng laruan, tanong ng senador na abogado de kampanilya at kaalyado ng administrasyon.

Gagamitin daw ng administrasyon ang isang lumang batas ni Marcos para kasuhan ang dalawa. Napabungisngis si Enrile at sinabing:     

“Wala na yun. Martial Law pa yun e. You know if I were a member of the police, they have better things to do than deal with a problem like that. Pinagtatawanan lang sila e. They will convict Estrada and Binay for riding on a jeep with a replica of a machine gun mounted on it? “

Sa ginagawa ng mga taong “sipsip” kay Gloria, lalu lamang pinasasama ang imahe ng administrasyon. Pati ang kontrobersyal na affidavit ni Cesar Mancao na nagtuturo diumano kay dating Presidente Estrada bilang “utak” sa pagpatay sa publisistang si Bubby Dacer at driver niyang si Emmanuel Corbito ay hinihinala tuloy na isang political demolition laban sa pangunahing political figure sa bansa. Dapat tayong maging mapanuri at timbangin ang bawat anggulo ng anumang isyu.

Litung-lito na raw ang barbero kong si Mang Gustin sa mga bagong development tungkol sa celebrated double murder case na ito. Politically motivated nga ba? Kata­kataka ang pahayag kamakailan ni Reynaldo Berroya. Hindi siya naniniwalang may kinalaman si Erap sa krimen na naganap noong 2000. Wala daw sa karakter ni Erap ang magpapatay ng tao. Kung tutuusin puwedeng ituring na kalabang mortal ni Estrada si Berroya na noo’y intelligence chief. Remember, si Erap mismo ang nagpakulong kay Berroya noong araw. Dala­wang taon ding nag­dusa sa piitan si Berroya sa kasong abduction o pag­kidnap sa Taiwanese businessman   na si Jack Chou. Lumaya lamang si Berroya noong 1997. Sa kabila nito, nanini­wala si Berroya na walang kinalaman si Erap   sa pag­paslang kina Da­cer at Corbito.

Ani Berroya “Estrada was not mentioned in the killings, and I don’t think it is in his character to order somebody killed.” Hindi kumbinsido si Berroya sa affidavit ni Mancao.

Pinag­babatayan ni Ber­roya ang naunang mga affidavit na nilagdaan naman ni Glenn Dumalo na isa pang police officer nadawit sa kaso. Aniya, hindi    raw tinukoy ang ngalan ni Estrada sa mga affidavits na ito.

 Kaya sabi ni Mang Gus­tin, hindi maaakusahan si Berroya na kaalyado ni Erap at mukhang may bigat ang kanyang teorya.

 Sa pag-analisa ni Ber­roya, Kung napuwersa si Dumlao na lumagda sa mag­kakaibang affidavit na kumokontra sa bawat isa, possible rin na si Berroya ay sapilitang pinapirma “under duress”.

Kakatwa rin na dede­pensa si Berroya sa panig ni Estrada gayung sinasabi sa sinumpaang pahayag ni Mancao na ka­sama siya sa ipinapapatay ng dating Pangulo.

 Sa gitna ng mga pang­yayaring ito, bahala na ta­yong mga mamamayan na gumamit ng ating kukute at analisahin ang bawat nag­­susulputang isyu.

ANI BERROYA

BERROYA

BUBBY DACER

CESAR MANCAO

EMMANUEL CORBITO

ERAP

ESTRADA

ESTRADA AND BINAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with