PILIT na idinadawit ng kampo ni Sen. Ping Lacson si ISAFP chief Maj. Gen. Romeo Prestoza sa affidavit ni dating Sr. Supt. Cesar Mancao. Hindi masisisi si Lacson dahil sa tingin nang maraming nakausap ko gipit na gipit siya sa ngayon dahil sa naglalabasang negatibong balita laban sa kanya. Kung ano man ang rason ni Lacson kung bakit si Prestoza ang pinagdiskita-han niya sa kaso nina publicist Salvador “Bubby” Dacer at driver na si Emmanuel Corbito ay siya lang ang nakaaalam.
Kumakalat naman sa MPD ang balita na mukhang barking up a wrong tree ‘ika nga itong si Lacson. Lumalabas kasi na si Prestoza kuno ay kinausap si Mancao noong Enero 2007 kung saan pinangakuan umano ng una ang huli ng re-instatement at promotion. Kung pini-pressure ni Prestoza si Mancao, paano niya magagawa ‘yon sa telepono pa? Puwedeng iwa-san si Prestoza ni Mancao sa pamamagitan ng di pagsagot ng tawag niya, di ba mga suki?
Maliwanag naman kasi na mula noong Enero 2007, hindi na nag-usap itong sina Prestoza at Mancao. Ayon pa sa balita sa MPD, sa ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob o nakonsensiya si Mancao para sabihin ang lahat ng alam niya ukol sa kaso nina Dacer at Corbito. Imbes na mag-akusa kung kani-kanino, ang dapat gawin ni Lacson ay hintayin na lang na dumating sa bansa si Mancao at pakinggan kung ano ang sasabihin niya tungkol nga sa Dacer-Corbito case. Hehehe! Panay depensa ni Lacson sa ngayon para maiwas ang sarili niya sa Dacer-Corbito case. Subalit sa tingin ko naman, bunga sa libreng publisidad na tinatamasa niya sa ngayon, baka umusad pataas pa ang presidential ambition ni Lacson. Puwede, di ba mga suki?
Pinag-usapan din sa MPD na kung merong magaling sa pressure sa mga testigo, wala ng iba pa kundi itong kampo ni Lacson dahil sa tinatawag nilang Lacson Academy nga. Matatandaan na ang lahat ng testigo ni Lacson, lalo na sa hangarin niyang pabagsakin ang gobyerno ni GMA ay graduate lahat ng Lacson Academy. Hehehe! Saan na sila sa ngayon?
Ang dalawang testigo na sina Corazon de la Cruz at Eduardo de los Reyes ay nagpapalamig sa ngayon sa Canada. Itong sina De la Cruz at De los Reyes mga suki ang testigo laban kina Lacson at mga kapwa-akusado niya sa celebrated case na Kuratong Baleleng. Subalit habang dinidinig ang kaso, biglang kumambiyo itong sina De la Cruz at De los Reyes at lumipad, kasa-ma ang kanilang mga pamilya sa Canada. O di ba na-pressure din ng kampo ni Lacson sina De la Cruz at De los Reyes? No sa tingin n’yo mga suki? Hehehe! Kanya-kanyang pressure lang ‘yan.
Si Prestoza naman ay kasalukuyang nasa abroad. Hindi ko pa siya narinig na nag-komento dito sa akusasyon ni Lacson na siya ang nasa likod ng affidavit ni Mancao na kung saan ayon sa report ay itinuturo si Lacson na siyang nagbigay ng go-signal para tapusin na sina Dacer at Corbito. Naku ha? Kung sabagay, kaya lang siguro nagbigay ng affidavit si Mancao sa harap mismo ng anak ni Dacer bunga sa nakikita niyang tagilid na ang kinatatayuan niya dahil sa extradition case na iniharap sa kanya ng gobyerno. Abangan!