^

PSN Opinyon

Apo na nakapaghabol sa mana

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

KASO ito nina Ferdie, Tina, Cora, Nora at Leony. Sila ang mga apo ng mag-asawang Pedro at Leona na orihinal na may-ari ng Lote 4144 na may sukat na 6,423 metro kuwa­drado at sakop ng titulo bilang (OCT) 1946. Noong Marso 1999, nang mamatay ang kanilang mga magulang ay saka pa lang nila nalaman ang tungkol sa mana na maku­kuha nila. Kumuha sila ng abogado upang mag-imbestiga at nadiskubre nito na matagal na panahon na mula nang hati-hatiin ang nasabing lupa at malipat sa pangalan nina Pecto at ng mag-asawang Chua.

Ayon sa imbestigasyon ng abogado, Disyembre 3, 1967 nang magkaroon ng kasulatan sa paghahati ng mana at bentahan (Extra-judicial settlement with simultaneous sale of portion of said registered land) kung saan pinalabas na pumirma ang grupo nina Ferdie samantalang wala naman silang pinipirmahan. Katunayan, hindi nga nila kilala sino man kina Pecto o ang mag-asawang Chua. Kaya’t noong Abril 28, 1999, nagsampa ng reklamo sa korte sina Ferdie laban kay Pecto at sa mag-asawang Chua. Hiningi nila na ipawalang-bisa ang kasulatan ng hatian ng mana at bentahan, ipawalang-bisa ang mga titulo nina Pecto at ng mag-asawang Chua, sila ang bigyan ng mga titulong nakapangalan na sa kanila at pagbayarin din ng danyos at gastos sa abogado ang mga kalaban. Kalau­nan, tatlong pinsan pa nina Ferdie ang sumali sa kaso.

Ngunit ibinasura ng Korte and reklamo ni Ferdie nang magmosyon si Pekto at ang mag-asawang Chua. Ayon sa Korte makakapaghabol lamang sina Ferdie sa loob ng 10 taon matapos marehistro ang mga titulo sa panga­lan nina Pecto at ng mag-asawang Chua samantalang sa kasong ito ay 32 taon ang nakakalipas.. Tama ba ang korte?

MALI. Hindi natatapos ang karapatan nina Ferdie na mag­habol sa kaso kahit pa nabig­yan na sina Pecto at mag-asawang Chua ng titulo. Hindi nila pagmamay-ari ang lupa kahit pa may nakuha na silang titulo. Kailanman ay hindi magi­ging legal ang nangyaring pe­ keng bentahan. Ang proseso ng pagrerehistro ay isang ebi­densiya lamang ng nasabing titulo. Hindi sila bibigyan ng karapatan sa higit pa sa dapat ay sa kanila.

Sa ating batas (Article 1410 Civil Code), hindi napapa­ so ang karapatan na magrekla­mo at maghabol sa mga kon­tratang sa simula pa ay wala na talagang bisa. Hindi rin ma­sisisi sina Ferdie. Hindi uubrang sabihin na pinabayaan nila ang kanilang karapatan dahil walang ebidensiyang isinu­ mite na magpapatunay na ka­salanan nila ang lahat at tinu­lugan nila ang karapatan nila sa lupa. (Macababbad Jr., et. Al vs. Masirag et. Al. G.R. 161237, January 14, 2009).

ASAWANG

AYON

CHUA

CIVIL CODE

FERDIE

MAG

NILA

PECTO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with