^

PSN Opinyon

Bro. Eddie o Among Ed sa 2010?

- Al G. Pedroche -

NGAYONG isinusulong ang tambalang Pampanga Governor Ed Panlilio (for president) at Isabela Governor Grace Padaca (for vice president) pag-usapan natin ang calling ni Bro. Eddie Villanueva na tumakbo rin sa panguluhan sa 2010. Sa isang Sunday service ng Jesus is Lord (JIL) Church ay naging panauhin ang dumadalaw na prophet to the nations na si Cindy Jacobs. Ang kanyang propesiya – Si Bro. Eddie Villanueva ay magiging Presi­dente ng Pili­pinas.

“This is not just fate but it is the will of God for you to   run in the 2010 presidential elections” ang sabi ni Jacobs. Pinahiran pa ng langis ni Cindy sina Bro. Eddie at kabiyak na si Sis. Dory sa naturang okasyon.

Naikuwento ni Jacobs ang di pangkaraniwang kara­nasan niya sa Costa Rica maraming taon na ang naka­lilipas. Sa isang pagtitipon, narinig niya ang boses ng Diyos na nagsabing “puntahan mo ang taong yun at sabihin na siya ang magiging susunod na Pangulo (ng Costa Rica).”   Hindi pinansin ni Cindy ang narinig. Pero makulit ang tinig. Muling sinabing “puntahan mo ang taong yun at ideklara mong siya ang magiging pangulo.” Di pa rin niya pinansin hanggang sa tinawag na siya sa pangalan “Cindy Jacobs, gawin mo ang sinasabi ko.” Sa ikatlong pagtawag pa lang sumunod si Cindy.

Dali-dali siyang nagpunta sa taong itinuro ng Diyos at mabilis na sinabing “Sabi ng Diyos, ikaw ang magiging Pangulo ng bansang ito” at kapagdaka’y umalis si Cindy.

Dalawang taon na ang nakalilipas nang nagbalik sa Costa Rica si Cindy. Nagulat siya nang ipatawag siya ng nakaupong Presidente lalo na nang mabatid niya na ito pala ang taong sinabihan niyang magiging Pangulo ilang taon na ang naka­raraan.

Sa ngayon ay puspusan na ring isinusulong ng mga taong may adhikain sa righteous governance ang kandidatura nina Governor Panlilio at Isabela Governor Grace Padaca. Pero hindi pa tiyak ni Among Ed kung may calling nga siya para tumakbo. Naghihintay pa   ng mga signos sa itaas. Sabi niya” Let me clarify na wala pa po akong desisyon na tumakbo sa pagka-Pangulo.” Iyan lang ang pagkakaiba nila ni Bro. Eddie na determinado nang kumandidato sa 2010 ha­bang si Among Ed ay hindi pa sigurado kahit may mga nagtutulak sa kanya.

AMONG ED

CINDY

CINDY JACOBS

COSTA RICA

DIYOS

EDDIE

EDDIE VILLANUEVA

ISABELA GOVERNOR GRACE PADACA

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with