Cabinet official humahataw sa black propaganda
KAMAKAILAN ay pahapyaw nating napag-usapan ang “dirty politics” sa Pilipinas na dapat mabago kung gusto nating mareporma ang ating pamahalaan. Ang tinutukoy natin ay mga political demolition na isinasagawa ng mga magkakatunggali sa politika.
Halimbawa, humahataw raw ang isang cabinet member upang gibain ang imahe ng isang Metro Manila mayor. Kaya pala, ang opisyal na ito ay may balak tumakbo sa 2010 mayoralty race. Ibig yatang maagaw ang pagka-mayor sa naturang siyudad na napakabilis ang pag-unlad.
Guns, goons and golds ang sinasabing armas ng mga maruruming politico para magwagi sa eleksyon. Sa kaso ng opisyal na ito, Limpak limpak na “golds” daw ang pinakawalang pondo kasabwat ang isang major ng isang drug agency. Nanunuhol daw sa media para sa isang “bulok na propaganda” laban sa katunggaling alkalde.
Nagmamalasakit kuno si cabinet sec kaya siya tatakbo sa pagka mayor. Pagmamalasakit bang maituturing na upakan ang mga nakaupong local officials at palabasing “drug capital” ang naturang lungsod?
Pilit isinasangkot ang tatlong pushers na sa mayor dahil kaapelyido niya ang mga ito. Sinasabing nasa order of battle ng PDEA ang mga pushers. Ipinagmamalaki raw ng mga sangganong ito ang pangalan ni mayor sa operasyon ng kanilang drug syndicate. Na sila’y untouchables dahil kay mayor.
Kung titingnan ang records, noon pang 2007 nakakulong ang tatlong pusher at nahaharap sa mga non-bailable na kasong mismong PDEA ang nagsampa laban sa kanila sa korte.
Grabe. Mainitan ang kalalabasan ng eleksiyon sa nasabing siyudad. Ma tigas na nagpahayag daw si cabinet sec na kailangang manalo siya sa pag-ka-mayor “at all cost”. Na kakatakot!
Sabi ng mga nakakakilala sa ugali ng opisyal na ito, kawawa ang lungsod na nais niyang takbuhan dahil sanay ito sa panggugulo at paghahasik ng takot masunod o ma kuha lang ang kaniyang gusto.
Asahan na daw ang pag labas ng sunud-sunod na malisyoso at mapanirang balita laban kay mayor at kaalyado niyang local officials na ibinabala ng grupo ni sec na sa kasamaang-palad ay wawasak din sa napaganda nang imahe ng tinaguriang fast-rising city sa Kalakhang May-nila.
Kaya daw pala matindi ang ginagawang pakikikuntsaba ni sec sa oil companies, nag-iipon siya ng malaking pondo para sa pagtakbo niyang ito.
- Latest
- Trending