Kinalasan

ANG OFW Family Club ay isang NGO na itinatag ko noong June 2001, na ang layunin ay tumulong sa mga problema ng mga OFW at ng kanilang mga pamilya. Dahil sa dami ng mga problemang may kinalaman sa pag-limot o pag-iwas sa pagpapadala ng buwanang sustento ng mga OFW sa kanilang asawa at mga anak dito sa  Pilipinas o dili kaya’y tuluyang pag-iwan sa asawa dahil sila ay may kinahuhumalingan o kinakasama, ang OFW Family Club, sa pamumuno ng Chairperson nito na aking kabiyak na si Minnie ay nakapag-buo ng isang samahan na tinawag na KINALASAN.

Ang KINALASAN ay samahan ng mga Kababaihang Iniwan na ng mga lalaking sumama sa ibang nililiyag na ang mga kasapi ay mga babaing inabandona ng mga asawang OFW.

Kaugnay sa pagdiriwang ng buwan ng kababaihan sa buong mundo ngayong buwan ng Marso, minarapat ng grupong KINALASAN na bigyang halaga ang mga ka­babaihang nagtataguyod sa kanilang pamilya habang ang kanilang mga asawa ay naghahanapbuhay sa ibayong dagat. Sa buwan na ito ay bibigyan pugay ng sa­mahan ang mga kababaihang nagpakatatag at nanindigan na ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Sa darating na Marso 28, gaganapin ang isang pagdiriwang sa HOBBIES OF ASIA sa Macapagal Boulevard mula sa tanghali. Ito ay may temang “BABAE-PAMILYA MO, IPAGLABAN MO”.

Magkakaroon ng iba’t ibang activities sa Marso 28 gaya ng Job Fair para sa local at foreign employment. May free legal consultation, free medical at dental mission, free breast examination for cancer awareness, free livelihood seminars at may mga talks pa about wellness, skin care, character development at values formation. May mga gifts at raffle prizes din mula sa mga lalahok na mga iba’t ibang exhibitors na mag­papakilala ng kani­lang mga produktong ma­ka­katulong sa kalusugan at dagdag kabuha­yan. Bukod sa live entertainment ng mga banda at piling mga singers, magkakaroon din ng mga inspirational speeches mula sa mga tam­pok na panauhin na gaya ni Sena­dor Loren Legarda, Congresswoman Liza Maza ng Gab­riela Party List at si Ms. Toots Ople na Editor-in-Chief ng OFW Magazine at Executive Director ng Blas F. Ople (BFO) Policy Center.

Sa karagdagang kaala­man, mag-text lang kay Min-nie Seneres sa  0918­7903513 o kay Monique Jaramillo sa 0917­ 8049947 at  09195398­685. Maaari ring tumawag    sa 5267515 or 5267522.

Show comments