^

PSN Opinyon

Paano magmahal ang mga musmos

SAPOL - Jarius Bondoc -

PINASULAT ng head teacher sa mga musmos na mag-aaral kung ano para sa kanila ang ibig sabihin ng pagma­mahal. Parang hindi galing sa mga inosente ang mala­lalim na sagot.

Rebecca, edad-8: “Nagka-arthritis ang lola ko, kaya hindi na siya makayuko para kulayan ang kuko sa paa. Si lolo ang nagkukulay para sa kanya, miski meron din arthritis sa kamay. ’Yan ang pagmamahal.”

Billy, edad-4: “Kapag mahal ka ng isang tao, kakaiba ang pagbigkas niya ng pangalan mo. Alam mo na ligtas ang pangalan mo sa labi niya.”

Karl, edad-5: “Pagmamahal ’yung nagpahid si dalaga ng pabango at si binata ng after-shave, tapos namasyal sila’t nag-amuyan.”

Chrissy, edad-6: “Pagmamahal: Kung kumain kayo sa labas at ibigay mo sa kasama ang French fries mo miski hindi ka humingi ng kapalit.”

Teri, edad-4: “Pagmamahal ’yung nakapagpapangiti miski pagod.”

Danny, edad-7: “Pagmamahal ay kapag ipinagtitimpla ni Mommy ng kape si Daddy, at tinitikman muna para tiyaking tamang-tama ang lasa.”

Emily, edad-8: “Pagmamahal ay kung malimit mag­halikan. Tapos, miski pagod na maghalikan, gusto pa rin magkasama at magkuwentuhan. Ganyan sina nanay at tatay. Kadiri ang hitsura nila kapag nagha­halikan.”

Bobby, edad-7: “Pagmamahal ’yung kasama sa silid kung Pasko, na tapos ka na magbukas ng regalo at naki­kinig lang.”

Loella, edad-7: “Pagma­mahal ’yung sabihin mo sa kaibigan na maganda ang damit niya, tapos araw-araw na niya ’yon isusuot.”

Cindy, edad-8: “Nu’ng piano recital, bigla akong kina­bahan sa stage. Tina­naw ko ang audience. Na­kita ko si Daddy, siya lang ang kuma­kaway.”

Clare, edad-6: “Mahal na mahal ako ni Nanay. Hina­halikan niya ako miski tulog na ako sa gabi.”

Marami pang ibang sagot, pero ang nakaantig sa head teacher ay ’yung sinulat ni Noel, edad-4: “Napansin kong lumu­luha ang kapitbahay namin na kabi­biyudo lang. Lumipat ako sa kanyang sala at ku­mandong. Wala lang, tinu­lungan ko siyang umiyak.”

vuukle comment

ALAM

CHRISSY

CINDY

EDAD

GANYAN

PAGMAMAHAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with