^

PSN Opinyon

Ilabas na kasi ang affidavit!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

(Part 2)

DALA-DALAWA na umano ang pinipirmahang sinumpa­ang salaysay ni Cezar Mancao ukol sa diumano’y nala­laman niya sa pagpatay kay Bubby Dacer, isang PR man, at ang driver nitong si Emmanuel Corbito noong Nob­yembre 2000. May tinatago kamakailan lang na pinir­mahang affidavit. At mayroon pa palang naunang affidavit noong 2007. Tila may iniiwan na namang puwang para sa pagdududa ng publiko sa pinapanin­di­gang ulat ni Calvento ukol sa umano’y nabasa niyang pagdawit ni Mancao kay Senator Ping Lacson bilang mastermind ng pagpatay kina Dacer. Kaya nga ang hamon ni Lacson, “Ilabas na kasi ninyo ang affidavit na yan!” Tanong din ni Calvento, “Bakit pa-inot-inot ang paglabas ng mga detalye?” Bakit nga ba di pa ilabas ang 2009 affidavit? 

Naiintindihan ko ang magkabilang panig sa mga kata-yuan nila. Nangangamba ang pamilya ni Mancao na dahil magsasabi na siya ng lahat ng nalalaman niya ukol sa kasong ito, ay nasa peligro na ang buhay niya. Hindi na nga nilabanan ni Mancao ang pagbabalik sa kanya sa Pilipinas. Ang gusto lang daw ng dating tauhan ni Lacson sa PAOCTF ay “magsabi ng katotohanan”, at makabalik din sa Amerika kung saan naroroon ang kanyang pamilya at ang kanyang buhay. Ang mahirap lang dito ay magpapilit si Mancao na magsinunga­ling — at magdawit ng pangalang hindi niya mapapa­tu­nayan — dahil sa pagdidiin ng Malacañang. Mahirap nga naman mangyari iyon kung maging ala-Ninoy Aquino ang pag­babalik niya na mapatay agad sa paglabas ng eroplano. O kaya, ala-Jun Lozada naman na dinukot at inikot sa Cavite — pero baka hindi na makabalik. Hindi malayo mangyari dahil sa bigat ng nalalaman niya. Kung wala ngang pa­kundangan ang mga pumatay kina Dacer at Corbito, paano pa kaya sa taong kakanta na! Maka­pangyarihang mga tao raw ang idadawit niya sa pag­sa­sabi ng katotoha-nan. Dapat kasama sina Michael Ray Aquino at Glen Dumlao, pero ang dalawa ay nilala­banan pa ang kanilang sapilitang pagpabalik sa Pilipinas. Madaling isipin na mas matitindi nga ang pagkakasangkot nila sa kaso, kung ganun. O maaaring umiiwas lang sa pang-iipit ng administrasyong Arroyo para sa pulitika. Hindi rin malayo.

Marami na ang namatay na may kinalaman sa kasong ito, at may mga tao pang kailangang hanapin katulad ng driver nung sasakyan kung saan umano nag-usap si Sen. Lacson at Aquino, para lalo pang magbigay ng liwanag. At ano itong sinasabi na dawit din daw si President Erap Estrada sa isa sa mga affidavit ni Mancao? Wala ang pangaln ni Erap sa naunang affidavit. Nasa 2009 affidavit kaya? Wala pa si Cezar Mancao sa bansa, mai­nit na ang usapin. Ano naman kaya ang magaganap sa pagbabalik niya? (Itutuloy)

AFFIDAVIT

BAKIT

BUBBY DACER

CALVENTO

CEZAR MANCAO

LACSON

MANCAO

NIYA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with