Tinimbang ngunit kulang
MARAMI ang nag-react sa aking column last week na ONE MAN, ONE VOTE. Sinang-ayunan ko ang panukala ni Senate President Juan Ponce Enrile na dagdagan ng 100 ang bilang ng congressmen dahil sa pagtaas ng bilang ng populasyon ng Pilipinas. Ayon sa Saligang Batas, Art. VI, Sec. 5 (3) … Each city with a population of at least two hundred fifty thousand, or each province, shall have at least one representative. (4) Within three years following the return of every census, the Congress shall make a reapportionment of legislative districts based on the standards provided in this section.
Malinaw na may obligasyon ang Kongreso na ayusin na ang pagtalaga ng legislative districts upang isalamin ang nagbagong anyo ng ating populasyon. Subalit marami ang diskumpyado. Una, more congressmen daw equals more budget, more pork barrel, more unproductive officials, more corruption. Pangalawa, gagamitin daw ito sa Charter change. At tingnan na lang daw ang America. 306 Million na ang bilang ng Amerikano subalit 435 lang ang kanilang congressmen. One is to 700,000 ang average proportion. Dito sa atin, 88 million ang Pinoy with 220 congressmen. Mas maganda ang proportion, one is to 400,000 ang average. Bakit dadagdagan pa? Hindi maikakaila ang bigat ng mga kontra argumento. Pero sa huli ay dapat pa rin mangibabaw ang mandando ng Saligang Batas habang hindi pa ito napapalitan.
Kung tutuusin may paraan upang huwag na tumaas ang bilang ng congressman na hindi rin lalabag sa kautusan ng Konstitusyon. Ito ay kung baguhin na lang ang pag-guhit ng boundary ng legislative districts. Sa average ngayon na 1 is to 400,000, pasok pa rin naman ang bilang na 220 elected congressmen sa 88 million population kung sundan ang patakarang 1 for every 250,000. Kung talagang kailangan ay ang mga congressman ay kaka tawan sa mga galing sa magkaibang mga lungsod at probinsiya upang magpantay lang ang bilang ng mga nakatira sa distrito. Example: Congressman A representing Tondo and Navotas.
May tensiyong haharapin sa anumang panu-kala na maghahatid ng pagbabago.
Kung ito ang kailangan upang maisaayos ang hindi makatarungang distribusyon ng boto sa kasaluku- yan, dapat lang na ito’y tiisin na upang maging magkasing-timbang ang boto ng bawat Pilipino sa lalong madaling panahon.
- Latest
- Trending