^

PSN Opinyon

EDITORIAL - Paano maniniwala sa mga pulis?

-

KAHAPON, isang computer technician ang hinuli ng mga kagawad ng Quezon City Police Dept.-Station 6 sa pag-aakalang suspect sa pagnanakaw. Sa halip na siya ang maprotektahan ay siya pa ang lumabas na salarin. Isang hindi malilimutang kara­nasan sa kamay ng mga pulis ang nangyari sa technician. Sa Station 6 din nangyari ang pagkulong sa tatlong media men makaraang sugurin, suntukin at saksakin ng ballpen ng mga taong kinunan nila ng video. Binasag pa ng mga babaing sumugod ang camera. Ayon sa mga pulis ng Station 6 hindi nila maawat ang dalawang babaing sumugod sa media­men dahil baka mahawakan nila ang maseselang bahagi ng katawan ng mga ito. Ang masaklap, iki­nulong pa ng mga pulis ang tatlong mamamahayag.

Ang mga ganitong kaso ay karaniwan nang nangyayari sa kasalukuyan, at maitatanong, paano     pa maniniwala sa ilang pulis na hindi yata alam ang kanilang ginagawa. Hindi lamang ‘yan, nagpapakita na rin ng takot ang mamamayan sa mga pulis sa­pagkat sa halip na matulungan ay sila pa ang nagi­ging biktima ng mga scalawags na nakauniporme ng asul. Paano maniniwala at magtitiwala?

Maski si DILG secretary Ronaldo Puno ay nanini­walang may katotohanan ang lumabas sa survey kamakailan na marami ang walang tiwala sa mga pulis. Sa survey, kalahati umano ng populasyon ay nag­ pakita na natatakot sila sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) mapa-babae at mapa-lalaki man ito. Wala silang katiwa-tiwala sa kapulisan at ang tingin nga ay extortionists nga ang mga ito.

Pero sinabi ni Puno na maaari pa namang mabago ang masamang pagtingin ng mamamayan sa mga pulis. Sinabi niya na darating din ang araw na babalik ang tiwala ng mamamayan at ituturing na kaibigan ang mga pulis. Darating daw ang araw na hindi na matatakot ang mamamayan at sa halip ay lalapit sa pulis para humingi ng tulong. Darating daw ang pana­ hon na makikita ng mamamayan ang pagsasa­kri­pisyo at pag-aalay ng buhay na ginagawa ng mga pulis.

Sumasang-ayon kami kay Puno sa kanyang sinabi subalit matatagalan pa bago maibalik ang pagtitiwala. At siguro, maibabalik nang kara-karaka ang pagtiti­wala kung maitutuwid ang ugali ng ilang miyembro ng PNP na sa halip na protektahan ang sambayanan ay sila pa ang nambibiktima. Maibabalik ang tiwala kung magkakaroon ng puspusang pagbasag sa mga “bugok” na miyembro ng pulisya. Maibabalik ang pagtitiwala kung agad reresponde ang mga pulis sa nangangailangan. Iyong mabilis na pagkilos para sa kaligtasan ng mamamayan. Maniniwala ang taum­bayan kung ang mga nabanggit na suhestiyon ay magiging gabay ng kapulisan.

AYON

MAIBABALIK

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PULIS

PUNO

QUEZON CITY POLICE DEPT

RONALDO PUNO

SA STATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with