^

PSN Opinyon

Happy 23rd Birthday Pilipino Star Ngayon

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NGAYON ng ika-23rd anniversary ng Ang Pilipino Star Ngayon kaya naman nagpapasalamat ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa Belmonte family una kay Tita Betty na kinuha na ni Lord kay Miguel, Isaac, Kevin at Joy siempre hindi puedeng makalimutan si QC Mayor Sonny Belmonte sa kani­lang magaling na pag-aalaga sa amin sa opisina ng PSN.

Hindi sipsip ang mga kuwago ng ORA MISMO, pero ipinakita ng mga Belmonte ang pakikipag-kapwa tao at ang pagiging totoong tao sa amin sa PSN kaya naman kuntento kami sa kanilang pag-aaruga dahil kami lang sa dyaryo kasama ang Philippine Star ang hindi nagtayo ng ‘union’ dito.

Sabi nga, kuntento kasi ang mga kuwago ng ORA MISMO, ewan ko lang sa iba!

Kaya naman kami ng mga batch mate ko noon 1986 ay nagpakita ng ‘loyalty’ sa mga Belmonte tulad nina Al Pedroche, Editor in Chief ng PSN, Dina Marie Villena, sports editor, Jo Abelgas, Metro editor, Jojo Cruz, editor ng Libangan at siempre ang Chief kuwago.

Nagpapasalamat ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa Belmonte family dahil kundi sa kanila malamang hindi na umaabot sa PSN ng 23rd ang Chief Kuwago.

Sabi nga, thanks a lot!

Mabuhay kayo.

Jueteng lord nahiya kay GMA

HUMINTO ang jueteng operation ng isang Bonggaling dyan sa Baguio at Benguet ng magtungo doon si Prez Gloria Macapagal Arroyo para magtalumpati siempre kasama ang pamamahinga sa Philippine Military Academy.

Hindi gumalaw ang mga kubradores, kabo, runner ni bonggaling dahil sa utos na rin siguro ng Baguio PNP - Provincial Commander.

Matindi ang jueteng operation ni Bonggaling sa Baguio at Benguet hindi biro dahil may P2 million ang kubransa nito araw-araw kaya naman ang mga bugok na miembro ng local government at lagapot na barangay siempre kasama ang mga kamoteng kapulisan ay masayang-masaya sa ganansiyang ipinangtatapal sa kanila.

Halos tatlong araw tumigil sa operasyon ng dayaan bolahan si Bonggaling baka kasi maamoy ito ni Prez Gloria ay masabon pa ang mga kamoteng nagpapasugal.

Tinitiyak ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na ngayon araw na ito ay tuloy ang maliligayang days ni Bonggaling dahil umalis na si GMA sa Baguio.

Hindi naman tatantanan ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang operayon ni Bonggaling sa Baguio at Benguet dahil malakas ang kapit nito sa isang opisyal ng Philippine National Police.

Abangan.

On-line jueteng

THIS week tatakbo na ang operasyon ng ‘on-line jueteng’ sa Pasay City dahil ayon sa asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naayos na daw ang mga bugok sa cityhall, police at NBI.

Balak pa daw ng mga financer sa on line jueteng na ilagay sa bawat barangay sa Pasay City ang mga computer na gagamitin sa dayaan bolahan.

Hi-tech kasi ang on line jueteng hindi pa kayang kapain ng mga hindi marunong sa computer kaya may mga magtuturo pa sa kanila kapag nailatag na ang mga makina sa bawat place dyan sa Pasay City.

Ang mananalo pala dito ay maghihintay ng tatlong araw para makubra ang winning pitsa niya at sa bangko ito papasok dahil kailangan may bank credit card ang isang mananaya para makapasok sa on line jueteng.

Ang dividend sa US$1.00 o P50.00 na taya ay P25,000.

LUCKY 2 ang tawag sa on line jueteng dyan sa Pasay City.

Abangan.

Collector talbog ng Region 4

GRABE ang jueteng operation ngayon sa Region 4 mula ng maging kolektor ang isang tinatawag na ‘talbog’ kaya naman masayang-masaya ang mga bugok sa headquarters.

Sa Laguna putok na putok ang pangalan ng isang Ka Loloy, sinasabing bagman ng waswit ng isang mataas na opisyal na bugok dyan sa province of Laguna. Kolektor ni Ka Ito si Totoy Jaruta at isang “kuento” naman ang bangka din sa nasabing lugar.

Si Miyo at Aldwin, ang may pa lotteng sa Batangas dahil hindi binigyan ng basbas ni Governor Vilma Santos operasyon ng jueteng sa nasabing province kaya naman lotteng ang inilgay todits.

Sabi nga, hindi biro ang kubransa.

Sa Cavite, sina Rani at Danny itlog ang may pa lotteng todits grabe rin ang kubransa kaya naman tuwang-tuwa si talbog sa operasyon ng mga kamote dahil sa dami ng pitsang pumapasok sa Region 3 puera pa siempre todits ang operation sa Rizal province.

Abangan.

BELMONTE

BONGGALING

DAHIL

JUETENG

KUWAGO

NAMAN

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with