^

PSN Opinyon

Iba naman!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

MALAPIT nang malihis ang ating atensyon mula kay Celso de los Angeles at ang kawalanghiyaan ng Legacy Group of Companies, dahil may bagong isyu na nag­sisimula nang mag-init. Sa tingin ko nga ay magbabaga ang isyu na ito kapag nakabalik na ang isang magsisiwalat na raw ng lahat ng nalalaman niya sa Dacer-Corbito double murder na kaso.

Ngayon pa lang halos mainit na ang usapin ukol dito, sa pagbibigay ng mga pahayag nina Reynaldo Berroya, Sec. Raul Gonzales, Sen. Jinggoy Estarda at Sen. Ping Lacson. Mga paunti-unting mga testimonya umano nila Cesar Mancao at Glen Dumlao, na parehong pabalik na ng bansa para magbigay liwanag sa kasong ito na wala pa talagang natutukoy at napaparusahan. Wala na rin siguro tayong magagawa kundi hintayin ang sasabihin ng mga taong ito ukol sa kaso, at iulat sa publiko.

Pero katulad ng lagi kong sinasabi sa radyo, hindi puwedeng malihis na lang basta-basta ang atensiyon ng media, pati na rin ang publiko sa mga isyu hangga’t wala pang mga sagot, kalinawan at katotohanan. Marami nang isyu ang halos hindi na nabibigyan ng pansin ng mama­mayan, mga opisyal lalo na sa gobyerno. Kung hindi dahil lang sa media, mababaon na sa limot ang mga nakara-ang anomalya.

Kaya duda talaga rin ako sa panahon ng pagbuhay sa kasong ito, pati na ng pagpapalaya sa mga akusado sa Aquino-Galman double murder case. Ngayon, dala­wang sikat na kasong wala pang tunay na katapusan ang nalalagay na naman sa sinag ng pansin ng publiko.

Kaya naman tama lang na tinututukan pa rin ang ilang isyu, nang hindi mabaon sa limot at makawala na naman ang mga salarin. Ang pagbantay sa kaso ng Legacy ay hindi dapat luwagan, kung hindi ay makakawala na naman itong si Celso de los Angeles katulad ng ginawa niya noong dekada otsenta. Kung bakit pinayagan pa ng SEC at ng Bangko Sentral na makapagnegosyo na naman sa banko at financing kahit may kasaysayan na ng anomalya ay hindi ko talaga maintindihan.

Siguradong hindi lang si Jesus Martinez ang padrino nito sa SEC. Sa Bangko Sentral sigurado meron din. Dapat lang ipagpatuloy ni Sen. Mar Roxas at ng kanyang komite ang pagdinig sa kaso. Lumalabas na ang mga testigo, kahit nga sarili niyang asawa at anak ay handa na ring magsalita. Kaya nga siguro kailangan na ng bagong isyu, dahil malapit na ang katapusan ni Celso   de los Angeles.

BANGKO SENTRAL

CELSO

CESAR MANCAO

GLEN DUMLAO

JESUS MARTINEZ

JINGGOY ESTARDA

KAYA

LEGACY GROUP OF COMPANIES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with