^

PSN Opinyon

Iwas sa maaalat kung may altapresyon

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

ISA sa apat na Pilipino ay may altapresyon. Kapag uma­abot na sa edad 60, isa sa dalawang Pilipino ay may altapresyon na. Kung mataas sa 140 over 90 ang iyong presyon, may altapresyon o high blood pressure ka na.

1. Umiwas sa maaalat na pagkain.

Ang pinakabawal sa may altapresyon ay ang maaalat na pagkain tulad ng canned goods, hamon, mga sarsa, at iba pa. Ang mga instant noodles ay napakataas din sa asin. Ang ginagawa ko ay kinakalahati ko lang ang seasoning ng noodles, pagkatapos ay kalahati rin lang ang dami ng sabaw. Sa ganitong paraan, kalahati lang ang alat na makakain ko. Sa bawat pagbabawas ng asin sa pagkain, bababa ang inyong presyon. Ito ay dahil ang asin ay nagre-retain ng tubig sa katawan, na magdudulot ng altapresyon.

2. Kung ano ang timpla ng pagkain, huwag nang dag­dagan ng sawsawan.

Alam kong masarap ang toyo, patis, bagoong at mga seasoning, pero maaalat po ito. Kung okay lang sa iyo, mas maigi pa ang suka o calamansi bilang kapalit.

3. Iwas alat, iwas kanser pa.

Ayon kay Dr. Antonio Villalon, isang tanyag na espes­yalista sa kanser, ang paggamit nang maraming toyo, patis at bagoong ay puwedeng mag-trigger ng kanser. Nakakatakot hindi ba? Ang sabi ni Dr. Villalon, maaaring may lahi ka na ng kanser. At kapag “nagising” ang selula natin ng mga masasamang pagkain, ay puwede maging kanser ito. Puwera sa maaalat, umiwas na rin sa mga pagkaing sunog (smoked foods), inihaw, matataba at hilaw (tulad ng kilawin).

4. Hindi mabisa ang pineapple juice sa altapresyon.

Ang pineapple juice ay may vitamin C na masus­ tansya, ngunit hindi po ito lunas sa altapresyon. Marami ang may ganitong maling akala. Ang pinakamabisa sa lahat sa pag­baba ng presyon ay ang pag-iwas sa maa­alat at pag-inom ng gamot sa altapresyon. Magkonsulta sa inyong doktor.

ALAM

ALTAPRESYON

AYON

DR. ANTONIO VILLALON

DR. VILLALON

KAPAG

MAGKONSULTA

MARAMI

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with