^

PSN Opinyon

Napakasamang tao

K KA LANG? - Korina Sanchez -

ANO pa ba ang masasabi ko tungkol kay Celso de los Angeles matapos ang itinuloy na pagdinig sa Senado noong Lunes ukol sa kawalang-hiyaan ng Legacy Group of Companies. Lumantad ang dalawang dating opisyal ng Legacy, at nagbigay ng mga sinumpaang salaysay at pagbubunyag sa mga kilos at aksyon ni Celso de los Angeles sa kanyang pagpapatakbo ng kompanya.

Napakaraming isiniwalat nina Carolina Hinola at Nam­nama Santos. Mga maniobra ni De los Angeles sa mga pondo ng kompanya, para sa iba’t ibang gastusin na personal! Pera ng mga kliyente ang pinaiikot at ginagamit para bayaran ang mga pang-araw-araw na gastos tulad ng kur­ yente, pagkain sa labas at labada! At ang balita pa ay patawa-tawa lang kasama ang mga abogado niya sa may Senado! Patunay ito na hindi siya nababahala sa mga aku­sasyon sa kanya, kahit ilang testigo at dokumento pa ang ilabas at ibi-gay sa Senado, dahil may mga malalakas na kasangga.

Ayon sa mga testigo, isang komisyoner ng Securities and Exchange Commission ang malapit kay De los Angeles. At sa kanilang patuloy na pagsisiwalat, may mga tran­saksyong ginawa si Comm. Jesus Martinez at si De los Angeles. Sasakyan at bahay ang mga nabanggit, na itinang­gi naman ni Martinez. Sa mas masiyasat pang pagtatanong, nasa pangalan pala ng anak ni Martinez ang mga nasabing bagay. Patuloy pa rin ang pagtatanong, at naging mali­wanag na tanging si De los Angeles ang nagpapatakbo, nagdedesisyon at mag-isang may kapangyarihan sa lahat ng pondo ng Legacy. May mga board of directors pero parang mga pang-display lamang ang mga ito at walang kapang­ yarihan sa pagpapatakbo ng negosyo, o ng panloloko.

Mahalaga ang mga testimonya ng dalawang testigo. May mga bagay sa kanilang salaysay na tumugma sa ilang detalye na alam na ng mga otoridad. Tila lumabas na ang dalawang nagbibigay ng proteksyon kay De los Angeles. At base sa banta ng Senado, hindi na magtatagal ang isang opisyal ng SEC sa tungkulin. Napakababaw ng mga pali­wanag niya sa mga detalyeng ginamit laban sa kanya.     Pero sigurado may mga nagbabantay ng likod ni De los Angeles sa Bangko Sentral, sa PDIC, sa DOJ at malamang sa Palasyo na rin. Sana ay marami pang tumestigo laban kay De los Angeles.

Kakaiba ang pagka-arogante ng taong ito. Dapat ma­wala ang mga kumukupkop sa kanya para mabagsakan na ng espada ng hustisya at makulong nang pangha­bambuhay. Tulad ng binanggit ni Sen. Mar Roxas, hindi nila titigilan si De los Angeles. At hindi naman dapat. Ilang mga anomalya na ang dumaan sa Senado, na may mga testigo na rin na gumigiit sa mga prinsipyong sangkot, ang wala namang nangyayari? Si Abalos, may testigo na nga ukol sa suhol, wala pa rin. Si Jimmy Paule at Jocjoc Bolante, may mga testigo at pag-aamin ng grabeng pagpatong sa presyo ng abono, wala pa rin. Si Mike Arroyo, may ulat at mga testigo nang nagdawit sa kanya ukol sa suhulan sa mga proyekto, wala pa rin. Sa Mega Pacific na anomalya hinggil sa mga makinang pang eleksyon, may desisyon na ang Korte Suprema na maanomalya ang kontrata, wala pa ring ginagawa ang Ombudsman!

Matagal ko nang sinasabi na dito sa Pilipinas, mas pinapaboran ng batas ang mga maysala kaysa sa mga testigo at mga nagsisiwalat ng katiwalian, kamalian at krimen. Sana kay De los Angeles at sa lahat ng sangkot sa Legacy Group of Companies, magkaroon na ng tunay na hustisya para sa mga naloko ng mga napakasamang tao na ito. Tiyak na nandiyan ang Senado para ipatupad ito.

ANGELES

BANGKO SENTRAL

CAROLINA HINOLA

JESUS MARTINEZ

LEGACY GROUP OF COMPANIES

LOS

SENADO

SHY

TESTIGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with