^

PSN Opinyon

City of Manila Ordinance No. 7295

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

MAY mga pook at lansangan sa lungsod ng Maynila na may “special feature” na maituturing. Ito’y ang pagsulpot-sulpot ng rally at demonstrasyon na parang balakubak na hindi matanggal. Mendiola, Muralla, Liwasang Bonifacio, Quirino Grandstand, Plaza Miranda at, tuwing may isyu laban sa Amerikano, ang Roxas Boulevard sa tapat ng U.S. Embassy.

Ang Mendiola ay target dahil sa Malacañang; ang Muralla dahil sa Department of Labor and Employment. Ang Liwasang Bonifacio, Quirino Grandstand at Plaza Miranda ay pinipili dahil sa lawak ng lugar (at dahil mga freedom park). Ang Roxas Boulevard lang ang naiiba dahil ang pinuprotesta dito ay hindi ang Pamahalaan o kapwa Pilipino kung hindi mga Amerikanong bisita natin sa bansa. Ang tinutunguhan ay hindi government office o public park kung hindi isang gusali na sa ilalim ng batas ay tinuturing na teritoryo ng United States.

Mayroon tayong mga tratadong inayunan (ang 1961 Vienna Convention on diplomatic relations) na nagsasaad na pagdating sa mga diplomatic mission, “the receiving State is under a special duty to take appropriate steps to protect the premises of the mission against any intrusion or damage and to prevent any disturbance of the peace of the mission or the impairment of its dignity.” Translation: Malinaw na may katungkulan ang pamahalaan na protek­tahan ang gusali ng U.S. Embassy sa Manila. Subalit kasama ba dito ang pagbawal sa ating mga mamamayan na magdaos ng kilos protesta sa labas ng embassy grounds? Hindi ba ito labag sa ating karapatan sa ilalim   ng Saligang Batas na Freedom of Assembly?

Ang karaniwang sagot ng kapulisan ay ang City of   Manila Ordinance No. 7295 na nagbabawal ng “rallies and demonstrations within a radius of five hundred (500) feet from any foreign mission or chancery.” Sa pagkaalam ng Report Card, tanging ang Lungsod ng Maynila ang may ordinansa na nag­bibigay ng ganitong additional protection sa mga foreign embassy. Sa Makati lang noong isang araw, nag-picket din ang “comfort wo­men” sa labas ng Japanese Embassy na hindi nahahawi ng mga pulis o hindi nakuku­ nan ng litrato na hinaham-   pas ng mga police shield.

Napapanahon na ang muling pagreview ng City Ordinance No. 7295 at i-check kung sa pagsunod natin sa mga patakaran ng international treaty ay hindi kaya nating nasasagasaan ang ating karapatan sa ilalim ng saligang batas?

ANG LIWASANG BONIFACIO

ANG MENDIOLA

ANG ROXAS BOULEVARD

CITY ORDINANCE NO

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

FREEDOM OF ASSEMBLY

PLAZA MIRANDA

QUIRINO GRANDSTAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with