^

PSN Opinyon

A day in court para kay Merceditas

- Al G. Pedroche -

MABIGAT ang kalaban ni Ombudsman Merceditas Gutier­rez. Isang kinikilalang statesman na may mabuting reputasyon: Si Sen. Jovito Salonga na nung nakalipas na linggo ay nagsampa ng impeachment case laban sa kanya.

Pero hindi naman daw natitigatig si Gutierrez. Aniya, handa na siya sa kanyang depensa sa isasagawang pagbusisi sa kanya ng mga mambabatas sa Kamara sa susunod na buwan kaugnay ng impeachment na isinampa sa kanya ng kampo ni dating Senator Salonga.

Alam na ng halos lahat ang ikinakaso sa Ombudsman: Ang kanyang hindi raw pag-aksyon sa mga kaso ng katiwalian, lalu na yung nagsasangkot sa kanyang former classmate na si First Gent. Mike Arroyo. Nangunguna na riyan ang multi-milyon pisong fertilizer scam. Of course pinabubulaanan ni Gutierrez ang alegasyon pero sa mata ng mamamayan, kumbinsido ang marami na nagpabaya siya sa kanyang tungkulin bilang tanod ng bayan laban sa katiwalian. At ang impresyon ay inuupuan niya ang mga kasong nagsa­sangkot sa kanyang “classmate” na si Mike Arroyo. Ang kahulugan ng Ombudsman ay Tanod ng Bayan. Ngunit wala akong kinakampihan. Sabi nga ng batas: An accused is deemed innocent until proven guilty. Pero kabaliktaran yata sa atin: An accused is considered guilty until proven innocent.

Madalas pa nga, kapag ang isang opisyal ay naabsu­welto, sumisigaw pa ang mamamayan na “lutong   Makaw.” Ganyan kung humusga ang bayan: Malupit! At komo public figure si Aling Merceditas ay dapat niyang tanggapin ang masaklap na katotohanang ito. Patuna-      yan na lang niya ang kanyang pagiging inosente. Grabe sa bigat ang mga abogado niya.

 Tatlong dating justices ang kinuha niya upang ipagtanggol ang kanyang panig. Kasama diyan sina dating Court of Appeals Justice Harriet Demetriou, retired Supreme Court Justice Jose Vitug at dating Jus­tice Sec. Serafin Cuevas. Kaya ang masa­sabi lang natin kay Om­buds(woman) “All the best to you at sana’y mag­hari ang hustisya sa usaping ito.” Pero kung ma­­pa­pa­tunayang may ka­sa­lanan si Aing Merceditas, dapat lang na anihin ang consequence ng kanyang pag-ka­kasala.

vuukle comment

AING MERCEDITAS

ALING MERCEDITAS

COURT OF APPEALS JUSTICE HARRIET DEMETRIOU

FIRST GENT

JOVITO SALONGA

KANYANG

MIKE ARROYO

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with