Update sa reklamong inilapit sa BITAG ni KUYA.
(1)
SA espasyong ito, nais lamang magbigay ng update ng BITAG hinggil sa inilapit sa BITAG na reklamo ng programang Aksiyon ni Kuya sa UNTV (Hindi ito si KUYA ng Pinoy Big Brother).
Matatandaan na dalawang linggo na ang nakalilipas ng pormal na i-turn over ang reklamo ng isang FX driver na pangha-harass at pananakot ng isang pulis-Maynila sa amin.
Sumbong ng FX driver na lumapit sa programang Good Morning Kuya, dati raw siyang kasama sa grupo ng abusadong pulis kung saan araw-araw, linggu-linggo at buwan-buwan nagbibigay sila ng butaw dito.
Kapalit ng nasabing butaw ay hindi sila paaalisin sa pamamasada ng FX at iwas-huli kahit sila’y mga kolorum pa.
Subalit nang maisipan nilang kumalas na sa grupo dahil sa kawalan na rin ng kita dahil sa labis na pangongotong ng lespu, kumuha sila ng prangkisa at bumuo ng isang lehitimong asosasyon.
Dahil dito, nagalit si lespu at naganap ang sarisari raw pangha-harass at pananakot. Kaya naman dahil sa sensitibong bagay na ito, inilapit sa amin ni KUYA (Daniel Razon) ang reklamong ito.
Isinagawa ng BITAG ang pagkontak sa mga nagrereklamo subalit, hindi makontak ang kanilang numero. Kaya’t lumipas pa ang ilang araw bago muling magkaroon ng komunikasyon ang mga ito sa amin.
Nang dumating sila sa aming tanggapan, natuklasan ng BITAG na ang ugat ng kanilang problema ay agawan rin sa posisyon sa pamumuno ng kanilang asosasyon.
Napag-alaman din namin na nakasampa na pala ang kanilang reklamo laban sa pulis sa iba’t ibang sangay ng gobyerno katulad ng PLEB, National Police Commission (Napolcom) at ma ging sa korte.
Ikinagulat ito ng BITAG, lumalabas parang nagfo- forum shopping na ang mga nagrereklamo sa dami ng kanilang pinagsumbungan at pinagreklamuhan.
Ganunpaman, hindi ito excuse para tanggihan at bitiwan namin ang reklamo, dahil may elemento ng pananakot at pang-aabuso ang sumbong, eksperto na rito ang aming grupo.
Kaya naman isang araw ang itinakda kung saan muling pagpa-planuhan ang mga hakbang na gagawin sa pulis upang matunton namin ito at maidokumento ang kanyang mga aktibidades.
Subalit tumawag ang mga nagrereklamo, hindi raw sila makakapunta da-hil may hearing para sa na sabing araw. Napag-usapang, sa susunod na araw na ito isasagawa, naghin tay ang BITAG.
Sa itinakdang araw at oras, hindi sumipot ang mga nagrereklamo. Sinubukan silang tawagan at itext ng BITAG, nagri-ring lamang ang numerong iniwan nila sa amin. Abangan ang ikalawang bahagi…
- Latest
- Trending