^

PSN Opinyon

Tooth abscess

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

SA Filipino, ang tooth abscess ay yung tinatawag na nana sa ngipin. Bacterial infection ang dahilan ng pagkakaroon ng nana sa ngipin. Kumakalat ito mula sa bibig hanggang sa pinakapuno ng ngipin. Kapag ang nana ay nasa itaas na bahagi ng panga, may panganib na ito ay pumutok at maging sinus. Ang mga infected material ay maaaring kumalat at humalo sa dugo at magiging dahilan para magkaroon ng impeksiyon sa alinmang bahagi ng katawan.

Ang sintoma na mayroong nana sa ngipin ay ang pananakit ng ngipin at ang pagiging sensitibo nito sa malamig at mainit na tubig. Sa katagalan, masyado nang masakit ang mararamdaman at mapapansing namamaga na ang pinaka-base ng ngipin. Ang mukha ay tatambok at magkukulay pula ang magkabilang bahagi ng mukha. Maaaring magkaroon ng lagnat.

Mawawalan ng ganang kumain sapagkat mahihira-   pang ngumuya. Kapag ang nana ay pumutok sa bibig, masama ang lasa nito at maaaring maging dahilan ng bad breath.

Paraan para maaalis ang nana sa ngipin ay sa pama­magitan ng pagdrain dito gamit ang incision. Kailangang ma-drain nang husto ang nana. Ang antibiotics at pain relieving ay pini-prescribed para rito.

Ipinapayo ang regular na pagbisita sa dentista para masubaybayan ang ngipin. Ang pagto-toothbrush araw-araw ay ipinapayo para hindi masira ang ngipin.

IPINAPAYO

KAILANGANG

KAPAG

KUMAKALAT

MAAARING

MAWAWALAN

NANA

NGIPIN

PARA

PARAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with