^

PSN Opinyon

Sen. Cayetano: 'Hilaw pa po ako'

- Al G. Pedroche -

NAGKASAMA kami sa fellowship-dinner para sa duma­dalaw na Prophet to the Nations na si Cindy Jacobs ni Sen. Alan Peter Cayetano kamakalawa ng gabi. Si Jacobs na isang American ambassor of the Lord ay nasa bansa sa imbitasyon ni Jesus is Lord Church leader Bro. Eddie Villanueva at ang okasyon ay idinaos sa Crowne Plaza Hotel sa Ortigas Center.

Tinanong ko si Alan Peter kung bakit sa dinami-dami ng mga batang pulitiko na ibig tumakbo sa pagka-pangulo sa 2010 ay walang naririnig tungkol sa kanya. Aniya “I’m still underage.” I think nasa 38 years old lang siya at ang qualified age ay 40 years old. But we need more genuine people of God to run the nation. Iisa lamang ang puna ko kay Cayetano na hindi ko naman itinuturing na malaking demerit. Ito ay ang lantarang pagtatanggol niya sa noo’y Senate President Manny Villar sa isyu ng “double insertion.” Apart from that, nakikita ko ang “aura” of godliness kay Cayetano and I’m sure may magandang plano sa kanya ang Diyos sa panahon ng restoration para sa Pilipinas.

Maganda ang propesiya ni Jacobs. Dalawang salot (plague) ang tinuran niya na talamak sa bansa: “Pagsu­sugal at droga.” Pero higit sa mga ito ay ang “fatherless­ness” o kawalan ng isang ama ng pamilyang Pilipino. Dahil sa kahirapan, napipilitang magtrabaho sa ibang bansa ang mga magulang at iniiwan ang kanilang mga anak kung kaya’t naliligaw ng landas ang mga ito. Kung may mga magulang na nag-aaruga sa mga anak, walang dahilan upang malulong ang mga kabataan sa sugal, droga at iba pang bisyo.

Ngunit may magandang plano ang Diyos sa Pilipinas upang tayo’y maging “ ulo at hindi buntot” sa komunidad ng mga bansa sa daigdig. Kaya malaki ang gampa-nin ng bawat mananam­palataya kaugnay nito.

Parang isyu ito sa – “alin ang nauna, manok o itlog?” Naghihirap ba ang bansa dahil sa kasamaan o ma­sama ang bansa dahil sa kahirapan? Solomonic wis­dom ang kailangan sa pag­tukoy nito kaya mga tunay na tao ng Diyos ang kaila­ngan nating magpatakbo ng bansa kung hangad natin ay makabuluhang pagba­bago. Ang taumbayan ang magpapasya kung sino ang dapat nating iluklok sa puwesto ng pamamahala. Therefore we need godly wisdom to do this.

ALAN PETER

ALAN PETER CAYETANO

BANSA

CAYETANO AND I

CINDY JACOBS

CROWNE PLAZA HOTEL

DIYOS

EDDIE VILLANUEVA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with