^

PSN Opinyon

Sirang ngipin nagdulot ng sakit sa puso

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

ALAM ba ninyo na ang sirang ngipin ay puwedeng mag­dulot ng sakit sa puso? Oo, tunay po iyan. Dalawang klaseng sakit sa puso ang puwedeng makuha kapag hindi tayo nagsisipilyo:

1. Impeksyon sa balbula ng puso – Ang tawag sa sakit na ito ay Infective Endocarditis, kung saan pinapasok ng bacteria ang balbula sa puso (heart valve). Delikado po iyan. Ganito ang nangyari kay Jeffrey Araza, edad 14, na laging may sira ang ngipin. Dahil dito, nagkaim­peksiyon tuloy ang kanyang puso. Si Jeffrey ay na-confine ng tatlong buwan sa PGH para mabigyan ng mala­lakas na antibiotics para puksain ang impeksiyon sa kanyang puso. Dahil nasira na ang balbula sa puso ni Jeffrey, na­nga­ngailangan siya ngayon ng operasyon para mapalitan ito. Ayon sa mga doktor ng PGH, kailangan ni Jeffrey    ng P100,000 para ma-operahan sa charity service ng PGH. Kung hindi siya maooperahan, posibleng ikamatay ito ni Jeffrey. Nagmamakaawa ang pamilya ni Jeffrey na mayroon sanang tumulong sa kanya. Mata­tawagan siya sa cell phone 0908-390-8812.

2. Bara sa ugat ng puso – Ang tawag dito ay coronary artery disease, kung saan nagbabara ang ugat sa puso. Puwede itong magdulot ng pananakit sa dibdib at heart attack. Ayon sa pagsusuri, ang mga taong may namamagang gilagid (gums) ay puwedeng magkaroon din ng sakit sa puso (heart attack) at stroke. Ito’y dahil ang impeksiyon sa bibig ay puwedeng kumalat sa ating dugo at magdulot ng pagbabago sa ating immune system. Dahil dito, namamaga rin ang ugat sa puso. Matindi talaga ang mga impeksyon sa bibig.

Paano pananatilihing mali­nis ang bibig?

1. Magsipilyo 3 beses sa isang araw. Ang bawat parte ng ngipin ay dapat i-brush ng 10-15 na beses. Magtagal ng 2 minuto sa iyong pagsisi­pilyo. Huwag magmadali.

2. Gumamit ng tongue clea­ner o panlinis ng dila. Ma­ra­ming bacteria ang puwe­deng manatili sa ating dila   na nag­dudulot ng bad breath. Ma­tatanggal lang ito sa pa­ma­magitan ng tongue clea­ner.

3. Gumamit ng dental floss araw-araw. Ito iyung sinulid na pinapasok sa pagitan ng ngipin. May kamahalan pero ito lang ang tanging paraan para matanggal ang dumi sa pagitan ng ating ngipin.

Ayon kay Dr. Mehmet Oz, ang expert doctor ni Oprah Winfrey, ang hindi pagsisi­pil­yo ay puwedeng makabawas ng 3 taon sa ating buhay. Mag­sipilyo, mag-tongue clea­ner at mag-floss. Iwas sakit sa puso at iwas bad breath. Good luck po!

(E-mail: [email protected])

AYON

DAHIL

DR. MEHMET OZ

GUMAMIT

INFECTIVE ENDOCARDITIS

JEFFREY

JEFFREY ARAZA

PUSO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with