^

PSN Opinyon

May pag-asa pa kaya ang election computerization?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

TILA lumilinaw na, malamang hindi makukuha ng Come­lec ang hinihingi nilang karagdagang pondo para mapa­tupad ang isang fully- automated election sa 2010. Ito yung paggamit ng mga makina at computer para magbilang ng mga boto, para hindi na ang ilang dekada nang ginagamit natin na mano-mano na bilangan. At isang mahalagang dahilan kung bakit sinusulong ng Comelec ang moder­nong sistema, ay para mabawasan o tuluyang mawala na ang dayaan sa bilangan tuwing nagkakaroon na lang ng eleksyon sa bansang ito.

Inaprubahan na ng Kongreso ang pagpalabas ng pera.  Pero, ang siste, kailangan pa palang isabatas ang isa pang bill para sa pag-automate ng eleksyon, ang Automation Law!   Kailangang lumusot sa dalawang Kamara ang panukalang ito, bago maging batas. Eh alam naman natin kung sino ang may hawak ng Kongreso, ang Malacañang. Kaya kayo na ang manghula kung mang­yayari na luminis ang eleksiyon sa pamamagitan ng computer o hanggang pangako na lang ito.  

Matagal nang gusto ng mamamayan ang isang pama­maraan ng pagbilang sa eleksyon na mapagkakatiwalaan nang husto. Ang “Hello Garci” na iskandalo kung saan umano’y sangkot ang isang opisyal ng Comelec at ang Presidente sa dayaan sa bilangan ang lalong nagbigay kahalagahan sa pagbabago ng sistema sa pagbilang. Ipinangako pa nga ni President Arroyo ang pagbabago sa sistema noon pang kauna-unahang SONA niya. Pero ang nangyari lang ay isa pang anomalya kung saan sangkot si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos Sr. ang nangyari. Ito ay sa pagkabili ng mga kagamitan para sa naturang automation.

Nahatulang taliwas ng Korte Suprema and nasa­-bing pagkakabili ng mga ka­gami­tan, nagkakahalaga ng mahigit P1-bilyon lang na­man. Pero ang mga computer sa ngayon ay nabu­bu­l­ok na lang sa isang bodega! Pag­katapos ay inabsu­welto na­man ng Ombudsman si Aba­los sa naturang kaso! Ganyan kalakas ang Ombudsman sa administras­yong ito! Mas ma­taas pa sa Korte Suprema!

Ang bagong Comelec chair­­man na si Jose Melo na mismo ang nagsabi na mag­kakaroon lang ulit ng malawa­kang dayaan kapag hindi nai­patupad ang   automation sa 2010. Hindi rin uubra ang “hybrid” na sistema, kung saan ang pambansang eleksyon ay automated at ang lokal naman ay mano-mano. Bakit nga naman dalawang sistema pa ang gustong gamitin ng mga congressman na ito, eh hirap na nga sa isa! Sinubukan na ng COMELEC ang automated na sistema sa isang lugar sa Mindanao, at mata­gumpay ang kinalabasan. Nabilang kaagad ang mga resulta. Hindi linggo o buwan ang inabot — para makabi­gay daan sa dagdag-bawas.

Hindi na nakapagtataka kung bakit mas mabagal pa sa pagong ang paglakad ng batas para mapatupad na ang automation. Marami namang mga halal na opisyal ang na­nalo la­ mang dahil sa dayaan. Kung magiging tunay na ma­linis ang halalan, sigurado ako na hindi mananalo ang iba diyan. Isabay pa ang unti-unting pagsulong ng Kamara ng Cha-cha, eh lumili­naw na tala­ga ang gustong mangyari ng Pa­ lasyo bago dumating ang 2010!

AUTOMATION LAW

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS SR.

KORTE SUPREMA

KUNG

PARA

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with