^

PSN Opinyon

Palaban na Ombudsman

K KA LANG? - Korina Sanchez -

DATI ay hindi mahagilap ang Ombudsman para makapanayam at harapin o sagutin ang lahat ng batikos sa kanya. Ilang beses namin siyang binigyan ng pagkakataong magsalita sa programa namin sa DZMM Tambalang Failon at Sanchez, pero hindi kami pinagpalaan. Lagi ang kanyang mga deputy o assistant ang makakausap ng media para ipagtanggol ang kanilang magiting na pinuno. Kesyo nagtatrabaho siya, masipag, masinsinang pinag-aaralan ang lahat ng kasong dumadaan sa kanya. Pero magmula nang mag­pakita siya sa Senado ukol sa ulat ng World Bank sa komiteng pinamunuan ni Sen. Miriam Defensor Santiago, at tila inabsuwelto siya ng maka-administrasyong Senador, nagkaroon na ng lakas ng loob magsalita at magpakita sa media si Merceditas Gutierrez. At ngayon ay pinagbibitiw na rin siya ng Senado dahil sa kanyang pagbubu-lag-bulagan sa ulat at rekomendasyon ng World Bank ukol sa kutsabahan at suhulan ng mga opisyal sa gobyerno, palaban na siyang nagsa­salita. At bakit hindi? Masyado nang malakas ang tinig ng mga humihingi ng kanyang pagbibitiw.

Ngayon, kaliwa’t kanan naman ang kanyang mga pahayag at pagtatanggol sa sarili. Ngayong Marso ay maglalabas na raw ang kanyang opisina ng ulat at resulta bunga ng mga masigasig na im­bes­tigasyon. Bakit naman kaya kung kailan pinata­talsik na siya, hindi lang nang maraming mama­mayan kundi pati na ng isang sangay ng gobyerno, saka naman lumalabas ang umano’y lahat ng kanyang “nagawa at natapos”? Patunay lang na kung walang nag-iingay sa media, publiko at pati sa lehislatura, ay ni hindi natin makikita ang anino ng Ombudsman. Ano pa kaya ang mga kasong hinahawakan nito!

Mahirap lunukin ang pinagsasabi ni Gutierrez. Hindi raw niya inuupuan ang mga kasong naka­sampa na sa kanyang tanggapan, at marami na siyang napanalunang kaso laban sa katiwalian. Maaaring may katotohanan ang pahayag ng Ombudsman — pero puro sa maliliit lang na kaso. Iba na ang usapan ngayon. Malalaking halaga ang sangkot sa mga kasong nakabinbin sa kan­yang tanggapan, at may kaibigan pa siyang nada­dawit. Diba’t kaya lang naman napasok sa puwesto si Gutierrez ay classmate ng asawa ni President Arroyo? Kung para diyan lang ay hindi na dapat pa siya tinanggap sa sensitibong posisyon ng Ombudsman. Dahil kapag kaibigan na niya ang sang­kot, paano niya matatrabaho nang hindi niya kini­kilingan ang kanyang kaibigan? Nangyayari na iyan ngayon. Sa fertilizer scam at World Bank report.

KANYANG

MERCEDITAS GUTIERREZ

MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

NGAYONG MARSO

PRESIDENT ARROYO

SENADO

SHY

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with