Supreme Court order, balewala?

NAGDESISYON ang Supreme Court na isoli ng Mega Pacific company ang may P1 billion bayad ng gobierno ng Republic of the Philippines tungkol sa mga computer na dapat sanang gamitin last 2004 Presidential Election para maging hi-tech ang botahan sa Philippines my Philippines.

Pero up to now ay walang nangyari sa kautusan ng SC at ang mga computer na dapat sanang magamit noon sa eleksyon ay nakaimbak na lamang isang bodega na mukhang nilulumot na at binabayaran monthly ng gobierno para sa storage fee.

Naku ha!

Sangkatutak kasi ang pumalag sa kontrata ng Mega Pacific sa gagamitin computer para sa nakaraan eleksyon kaya naman ang Supreme Court ay nagdesisyon ng null ang void sa contract plus ibalik ang salaping ibinayad dito.

Ano ngayon ang nangyari?

Wala!

Ngayon ang COMELEC ay gustong pabilisin ang pagpapalabas ng funding para sa full automation sa 2010 Presidential Election kaya lang ang problema ay mga mambabatas na gustong half-half ang labanan.

Sabi nga, kalahati full automation at ang kalahati ay hybrid!

Ika nga, manuel este mali manual pala.

Tapos na pala ang batas regarding sa full automation ginawa na ito last 13 Congress sa Kamara kaya wala na dapat mangotong este mali mangotra pala dito.

Sabi ng ilang bright sa politics i-ammend ang batas regarding full automation.

Sabi naman ng COMELEC, huli na para sa full automation next year kung mabagal at may kontra pelo sa usapan pinaguusapan. Hehehe!

Hindi birong funding kasi ang hinihingin ng COMELEC para sa mga bibilhin bagong computer echetera.

Sabi nga, P11.3 billon daw?

Naku ha!

Kamote, ang maganda nito abangan natin kung sino ang kikita este mali magwawagi pala.

Tandaan May 2010 ang National Election kung mayroon man.

Wait and See!

Celso delos Angeles, sabit na naman?

MUKHANG hindi na tatantanan ng madlang people na naloko sa mga negosyo ni Sto. Domingo Mayor Celso delos Angeles ng Legacy Group of Companies ang bawat kilos ng huli porke may panibagong problema na naman ibinulgar ang public tungkol sa sinasabing kontrabida.

May mga naghihiyawan kasi dyan sa isang place sa Leyte na may isang isla ang sinasabing ni-land grab ni Celso.

Naku ha!

Noon araw mura lang ito at walang gaanong nagka-interes sa isla pero sa ngayon mukhang million of pesos ang halaga nito.

Sabi nga, sumirit pataas ang price!

Na-acquire daw ni Celso ang isla sa pamamagitan ng tax death coalition este mali declaration pala kaya ang people from Leyte ay pumapalag sa ngayon dahil dito.

‘May tiwala pa ba ang madlang people kay Celso?’ tanong ng kuwagong nawalan ng pera.

‘Ang mga nauto este mali plan holders pala na kumuha under Legacy siempre galit’ sagot ng kuwagong nabola.

‘Paano ang magandang gawin at muli na naman nabulgar si Celso?’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Kamote, bahala siyang magpaliwanag dito’

‘Walang bang mga death threat na natatanggap si Celso sa mga nag-aakusa sa kanya ng panloloko?’

‘Lagapot, iyan ang itanong mo sa kanya.’

Abangan.

Show comments