Nagmalasakit sila para sa iyo
ANG pilosopiya sa buhay ni Charles Schultz, na lumikha ng Peanuts comic strip, ay napapaloob sa tests, tulad ng sumusunod. Hindi kailangang sagutin ang mga tanong. Basahin lang, at maiintindihan na ang punto:
1. Ilista ang limang pinaka-mayayamang tao sa mundo.
2. Ilista ang limang huling Phil. Basketball Association champs.
3. Ilista ang limang huling Miss Philippines.
4. Pangalanan ang 10 nagwagi ng Palanca Award.
5. Pangalanan ang kalahating dosenang hinirang na Best Actor o Best Actress sa Metro Manila Filmfest.
6. Pangalanan ang 10 sikat na atleta nu’ng dekada-’90.
Nahirapan ka ano? Ang punto ay wala sa atin na nakaaalala ng headlines ng kahapon. Walang panegundang nananalo, ang kinikilala lang ay ang mga pinaka-mahusay sa kani-kanilang larangan. Pero naglalaho ang palakpakan. Kinakalawang ang mga medalya. Nalilimutan ang mga kinamit. Nililibing ang mga gantimpala ng mga nagwagi nito.
Heto ang isa pang quiz. Tingnan kung ano ang sasapitin mo:
1. Maglista ang ilang guro na gumiya sa iyo habang nilalakbay ang pag-aaral.
2. Tukuyin ang tatlong kaibigan na tumulong sa iyo nu’ng panahon ng kagipitan.
3. Magbanggit ng limang tao na nagturo sa iyo ng tunay na makabuluhang leksiyon.
4. Isipin ang ilang tao na pinaramdam sa iyo na espesyal ka.
5. Magsabi ng limang tao na kinagigiliwan mong makasama.
6. Magpangalan sa limang matulunging kasamahan sa trabaho.
Mas madali? Ang aral: Ang mga tao na tunay na umiimpluwensiya sa iyong buhay ay hindi ‘yung mga mayroong pinakamara ming titulo, o pera, o tropeyo. Sila ‘yung mga nagmalasakit sa iyo.
* * *
Lumiham sa [email protected]
- Latest
- Trending