Dalawang pulis na namatay habang tumutupad sa tungkulin
Dahil sa selos, pumatay ng dalawang pulis at nagdamay pa ng isang drayber ng pampasaherong jeepney ang sundalong si Master Sergeant Aris-totel Calagui. Mukhang nagkulang sa pagdisiplina ang Armed Forces of the Philippine (AFP) sa kanilang mga tauhan.
Ayon sa impormasyon na aking nakalap, nag- ugat ang pag-iinit ng dugo ni Calagui nang magtu- ngo umano kasama ng kanyang live-in parner na si Christina Naroles, alias “Tintin” sa kaanak ng sus pek sa Navotas.
Labis umano ang pagkagalit ng suspek kay Tintin ng maging malambing umano ang pakikitu-ngo sa mismong kapatid ni Calagui kaya nilunod nito ang sarili sa alak. At nang malasing umano ito ay pinagbubugbog si Tintin. Matapos ang pambubugbog, inaya ni Calagui si Tintin na umuwi na sa kanilang tahanan sa Taguig City. Habang nakasakay sila sa jeepney, sinabihan umano ng suspek si Tintin na papatayin ito pagdating sa kanilang tahanan.
Sa takot sa banta ng suspek, gumawa ng eksena si Tintin habang sila’y naglalakad sa Monumento, Caloocan City na nakatawag pansin sa dalawang pulis na sina PO3 Joel Villarmino at PO1 Victor Mondejar naka-assign sa Police Community Presinct-1.
Sa puntong ito, agad na inimbitahan ng mga pulis si Calagui na sumakay sa patrol car na mul ticab upang sa presinto mag-usap ang mga ito. Subalit nang maisakay na ang mag-live-in partner, pumalag uma no si Calagui at sinabihan ang dalawang pulis na away mag-asawa lamang ito at kasabay ng pagpa pakilala na isa siyang sundalo. Mahinahon naman umanong pinapayapa ni PO3 Mondejar si Calagui at sinabi rito na “May reklamo ang iyong asawa na sobrang pambubugbog kaya sa presinto na lamang kayo mag-usap upang magkalinawan.” Sa puntong ito, agad bumunot ng baril si Calagui at pinaputukan nang sunud-sunod si Mondejar na ikinahulog nito sa multicab. Kahit duguan at nakahandusay sa kalsada si Mondejar, pinaputukan pa ito ng ilang beses.
Bumaba naman ng sasakyan si PO3 Villarmino upang saklolohan si Mondejar subalit binaril din siya ng suspek at humandusay din siya sa kalsada sa mismong Monumento circle. Tinamaan naman ng ligaw na bala si Celso Ehemplo.
Agad tumakas si Calagui patungong Mc-Arthur Highway dala ang kanyang cal. 45 at ang inagaw na 9mm na baril ni Mondejar. Isang pulis Malabon, si PO1 Ogalesco na pasakay na ng jeep patungo sa presinto ang nakatawag ng pansin sa suspek. Dahil walang baril si Ogalesco, napilitan na lamang siyang sundan si Calagui hanggang sa masalubong niya si PO2 Cuevas na kasalukuyan na nag-aabang ng masasakyan. Agad na kumilos ang dalawa at sa loob ng SOGO Apartelle ay nakorner at nadis- armahan ang suspek.
Nabugbog ng taumbayan si Calagui nang ilabas ng dalawang pulis. Dala siguro sa sobrang galit nang patayin ang mga matitinong pulis. Sa ngayon buong Caloocan Police ang nagluluksa sa pagkamatay nina PO3 Villarmino at PO1 Mondejar.
Gen. Leopoldo Bataoil, dapat mong parangalan ang kadakilaan nina Villarmino at Mondejar na namatay habang tumutupad sa tungkulin. Di ba Sir?
- Latest
- Trending