Diskarte ng piskal
KASO ito ng “unfair competition” na isinampa ng LS & Co. laban kay Louie at sa kanyang kompanya, ang VTC (VT Clothing Company). Ayon sa LS & Co., si Louie raw ay gumagawa, nagbebenta at na mamahagi ng mga pantalon at maong sa ilalim ng pangalang Live’s at nakakalito ang pagkakapa- reho nito sa produkto nito na Levi’s.
Sa kanyang kontra-salaysay, sinabi ni Louie na hindi imitasyon ng Levi’s ang kanyang produktong Live’s. Magkaiba raw ang marka o trademark, ang pagkakasulat at ang ibig sabihin ng Levi’s kum- para sa Live’s.
Si Louie ay kinampihan ng piskal na unang humawak sa kaso kaya’t ibinasura ang reklamo ng LS & Co. Nang umapela, panig din ang DOJ Secretary sa ginawang pagbasura ng kaso. Wala raw elemento ng pagtatangkang mandaya at kung pag-aaralan, magkaibang-magkaiba ang mga letra, ibig sabihin at pagkakabigkas ng Live’s at Levi’s. Malaking bagay din ang ginawang pagpaparehistro ni Louie ng marka patunay ng kanyang mabuting hangarin.
Nagkaroon ng bagong DOJ Secretary na pumanig naman sa LS & Co. Pinagbigyan nito ang rekonsiderasyon na hinihingi ng kompanya, binaliktad at isinantabi nito ang naunang pagbasura sa kaso at ipinag-utos ang pagsasampa ng kaukulang kaso kay Louie. Ayon sa bagong kalihim, hindi kailangan ang eksaktong pagkakatulad upang maparusahan si Louie sa ilalim ng batas (Art. 189 Revised Penal Code).
Nang si Louie naman ang humingi ng rekonside rasyon sa nasabing utos, nagkataon na nagpalit muli ng DOJ secretary at pinagbigyan naman ng bagong secretary ang kanyang mosyon. Ipinag-utos ng pangatlong DOJ secretary na humawak sa kaso ang pagbabasura nito. Wala naman daw posibili- dad na malito ang publiko sa mga produkto dahil mas mababa o mas mura ang presyo ng produktong Live’s.
Tuloy, hiniling ng LS & Co. sa korte at nagpetisyon ito na ipasyang “probable cause” o basehan upang kasuhan si Louie sa krimen na “unfair competition” at upang ipag-utos sa DOJ Secretary na umpisahan na ang pagsasampa ng kaukulang im-pormasyon. Uubra ba ang petisyong ito ng LS & Co.?
HINDI. Maaaring pag-aralan ng korte ang na-ging resolusyon ng DOJ secretary, ngunit hindi pa rin nito maipapalit ang personal nitong opinion sa naging resolusyon ng DOJ. Kailangan muna nitong patunayan na inabuso ng DOJ secretary ang kanyang kapangyarihan. Walang karapatan ang korte na pakialaman ang mga bagay na ibinigay ang responsibilidad o pagpapasya sa kongreso o ehekutibo gaya ng ibang sangay ng gobyerno tulad ng DOJ.
Ang pinakatrabaho ng isang piskal ay pag-aralan kung may probable cause upang sampahan ng impormasyon ang isang tao. Ang desisyon kung dapat ituloy ang pagsasampa o pagbabasura sa kaso ay nasa diskresyon niya at ng DOJ secretary.
Bagama’t hindi ganap ang kapangyarihang ito at maaaring pag-aralan ng korte ang kapangyarihan ng korte ay limitado lamang sa pagpasya kung inabuso ng piskal ang kanyang kapangyarihan. Ang pag-abuso ay kailangang sobra o talamak at lampas na sa kanyang kapangyarihan. Maituturing na halos pag-iwas at hindi na pagtupad sa tungkulin ang kanyang ginagawa.
Sa kasong ito, maaaring may kaunting pagka-kamali man ang piskal at ang unang dalawang DOJ Secretary ngunit wala namang pruweba na inabuso nila ang kapangyarihang ibinigay sa kanila. Lumalabas na ang desisyon nila ay base pa rin sa ebidensiya, batas at mga desisyon ng Korte Suprema. (Levi Strauss (Phils) Inc. vs. Tony Lim, G.R. 162311, Dec. 4, 2008).
- Latest
- Trending