VIP treatment sa may kasong syndicated estafa?
BIHIRA akong tumalakay sa ganitong uri ng kaso pero hindi ko mapigilang magmalasakit sa mga biktima ng taong ito na may kasong “syndicated estafa” na isang non-bailable offense.
Ang akusadong si Eugene Co (a.k.a. Eugene Ybañez) na inaresto noon pang Nov. 17, 2008 ay nakapiit sa Eastern Police District, Pasig Police Jail. Okay sana kung nakakulong sa karaniwang selda pero ang sumbong sa atin ay hindi. Ayon sa nagpahatid ng reklamo, si Co ay may sariling air-conditioned room, cellphone at computer na may internet access. In the interest of fair play, concerned authorities are welcome to air their side of the issue and I will gladly give them equal space.
Big time ang kaso nito na kinapapalooban ng P200 milyong halagang na-swindle umano sa kanyang mga biktima kasama na ang bantog na basketbolista ng Barangay Ginebra na si Paul Anthony Atardi at marami pang iba.
Nakiusap sa akin ang nagbigay ng impormasyong ito na talakayin ko ito sa kolum dahil may pangambang baka “lutuin” ang kaso para ang nasasakdal ay makalusot at mapalaya. Hustisya ang pinag-uusapan dito sa kapakanan ng maraming complainant laban sa taong ito.
Hindi nawawala ang tiwala ko sa ating justice system pero totoong dapat maging mapagmatyag ang mamamayan, lalu na ang mass media upang mapigilan ang pagligwak sa kasong ito. I give the benefit of the doubt to the authorities ngunit mabuti nang malaman ng lahat na maraming nagmamatyag para hindi ma-whitewash ang kasong ito gaya ng pinangangambahan ng ilan.
Si Co ay may-ari umano ng isang pawnshop na ang mga isinasangla roon ay mga cellphone at electronic gadgets. Nag-alok umano siya ng investment instruments sa mga complainants. Ito ay apat na porsyentong interes sa minimum deposit na P50,000 sa kanyang bahay-sanglaan. Katunayan, inilagay sa immigration watchlist si Co sa utos ng Department of Justice.
Naniniwala akong ito’y act of goodwill ng gobyerno para tiyaking hindi maliligwak ang kaso. Pero mabuti na ang mapagmatyag tayong lahat.
- Latest
- Trending