^

PSN Opinyon

Pilipinas magiging Pinakamayaman at pinakapinagpalang bansa

- Al G. Pedroche -

MAGIGING isa sa pinakamayamang bansa ang Pilipinas. Matutuldukan ang korapsyon at mapupuksa ang kahirapan ng maraming Pilipino. Ito ang hula ng bantog na Christian prophetess na si Cindy Jacobs kamakailan. Kung kailan mangyayari ay hindi tinukoy ni Jacobs pero ito’y walang pasubaling magaganap. Ngunit ang pana­wagan ni Jacobs para matupad ito ay “Pray, pray, pray.” Walang puknat na taimtim na panalangin ng bawat Pilipino.

Totoong pinagpala sa likas na kayamanan ang ating bansa. Nasa atin ang halos walang limitasyong supply ng ginto at iba pang precious metals. Sa haba ng ating mga dalampasigan, naririto ang lahat ng yamang-dagat. Sagana rin tayo sa mga produktong agricultural. Walang pagkagutom sa Pilipinas kung tutuusin. Pero napagkaka­itan lang ng yamang ito ang mga mahihirap dahil sa pagkagahaman ng iilang nakaluklok sa trono ng kapang­yarihan na tanging may kontrol sa likas-yaman ng bansa. Iyan ang dapat baguhin. Kaya tama na manalangin tayo nang walang puknat gaya ng sinasabi ng Bibliya na “pray without ceasing.” But pray for what?

Unang una ay manalangin tayo ng pagsisisi at pag-ba­ba­lik loob sa Diyos (2 Chro. 7:14) para tamasahin natin ang pagpapagaling at pagpapala ng Diyos.

Pangalawa – ipanalangin natin ang pagkakaroon ng isang matuwid at maka-Diyos na pamahalaan na pina­­mu­munuan ng mga taong anointed o tunay na iti­nalaga ng Panginoong Diyos. Kailan gagawin ito? Ngayon na. Nalalapit na ang 2010 general elections at hindi na tayo dapat magkamali.

Consider many men of God na may poten­syal magpatakbo ng bansa. Yung iba’y gus­tong mag­lingkod, yung iba’y atubili at yung iba’y umaayaw. Nariri­yan sina SC Chief Justice Reynato Puno, Bro. Eddie Villanueva ng Bangon Pilipinas, Pam­panga Gov. Ed Panlilio, Isabela Gov. Grace Pa­da­ca, at Sen. Alan Peter Cayetano. Siguro’y may naiisip pa kayong ibang matatawag na non-traditional politicians pero maka-Diyos na maaaring kumandi­dato sa pagka-presi­den­te ng bansa.

Ma­na­langin tayo na ka­tukin ng Diyos ang kani­lang puso at magka­roon ng tapat at marub­dob na hangaring mag­lingkod upang akayin ang bansa sa matuwid na lan­das na pagpapa­lain ng Diyos.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

BANGON PILIPINAS

CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO

CINDY JACOBS

DIYOS

ED PANLILIO

EDDIE VILLANUEVA

GRACE PA

ISABELA GOV

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with