NABANGGIT ko sa kolum na ito noong nakaraang linggo na si Bro. Mike Velarde ng El Shaddai at Buhay Party List at ang kanyang mga kaalyado tulad ni Mel Robles na pangulo kuno ng naturang partido at ang mga ama ni Erwin Tieng at Carissa Coscoluella na mga representative ngayon ng partido ay mga birds of the same feather? dahil ang mga pangalan nila ay nasasadlak ngayon sa mga malalaking anomalya.
Halimbawa si Bro. Mike ay may nakabinbin ngayon na plunder case sa Korte Suprema dahil sa diumano’y malaking tongpats sa ibenenta niya sa gobyerno na lupa sa Parañaque City. Kapag na convict si Bro. Mike sa kasong ito, habambuhay na imprisonment ang magiging hatol sa kanya.
Si Mel Robles naman ay may plunder case din sa Ombudsman hinggil sa milyun-milyon ding mga maanomalyang mga transaction sa LRTA kung saan siya ay Administrator ngayon. Si Papa naman ni Carissa Coscuella ay may kaso rin hinggil sa pagpuputol ng mga heritage trees sa Subic, Zambales. Si Daddy naman ni Erwin Tieng ay sangkot sa maanomalyang pagbebenta ng mga expired chocolate sa Duty Free Philippines at ang pagpaupa ng Fiesta Mall sa Parañaque na ubod ng mahal at disadvantageous pa sa gobyerno.
Bagamat paiba-iba ang kinasasangkutang mga anomalya, silang lahat ay mga magkakaibigan at kaalyado sa Buhay Party List. Kaya tama nga na bansagan silang mga birds of the same feather who flock together.
Dahil sa kolum na iyon, sunud-sunod ang anonymous text messages ang natanggap ko na nagbabanta ng kamatayan sa akin. Hoy mga pare koy! Akala ko, Buhay Party List kayo bakit kamatayan ko ang minimithi ninyo? In fairness to Bro. Mike, hindi siya mamamatay tao. Kilala ko siya. Kapag nagalit siya, nangungurot lang na parang si Kuya Germs Mo reno. Si Bro. Mike at si Kuya Germs pareho lang ng style kapag nagalit pati na rin sa pananamit. Ang mga amerikana nila ay kulay pink, yellow, red, green at blue.
Sa mga nagpapadala ng death threats sa akin, ito lang ang masasabi ko. Go ahead. Make my day. In the meantime, palitan n’yo ang pangalan ng party list ninyo. Sa halip na Buhay Party List, gawin n’yo na lang na Patay Party List!