NAPANGANGA ang madlang people ng mabalitaan nila yesterday na tataas ang singilan blues sa tubig, kuryente, tuition fees na dehins na siguro puedeng pigilan ng ilang government bright people sa Republic of the Philippines.
Ang pustura nila lugi sila sa negosyo dahil na rin sa boomerang effect ng pangdaigdigan krisis sa pananalapi.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung hindi daw magtataas ng singil ang Manila Water Company at Maynilad tiyak ang serbisyo daw nila sa mga consumer ang maapektuhan ganoon din ang MERALCO at sa daan-daan school na nagbabalak na rin mag-increase ng tuition fee.
Naku ha!
Nagpapasalamat pa rin ang mga kuwago ng ORA MISMO, at hindi naaapektuhan ang prices ng mga commodity sa merkado kahit na ayaw magbaba ng pamasahe ang mga jeepney at bus.
Sabi nga, nagmamatigas!
Apektado kasi ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahin bilihin kapag nagtaas ng bayad sa pamasahe.
Ika nga, what’s goes up must goes up din. Hehehe!
Kung titingnan maigi o susuriin mabuti ng madlang people si Prez Gloria Macapagal Arroyo na lamang ang hindi tumaas. Hehehe...joke!
Ang gasolina tumaas ang LPG tumaas presyo ng baboy, baka, isda, gulay, saging, mangga echetera tumaas.
Sabi nga, ni Pangasinan Bishop Oscar Cruz, pati intelihensiya sa jueteng tumaas o doble ang tara sa ngayon.
EDSA parking area ng mga sasakyan
MISTULANG parking area na ngayon ang kahabaan ng EDSA mapa-umaga, tanghali, hapon at gabi dahil sa gapang pagong ang mga sasakyan dumaraan dito dulot ng matinding traffic.
Sabi nga, inutil na ang MMDA?
Kung susuriin mabuti ng madlang people na nakakaunawa maliit na ang EDSA sa dami ng mga sasakyan private at public vehicles na dumadaan sa lugar na ito everyday.
Isa pang dahilan ng traffic sa EDSA ay ang mga abusadong bus driver na bumabalagbag para magunahan sa pagkuha ng passengers kaya naman halos nagkakagitgitan na sila at pati tuloy ang mga small vehicle ay nadadamay sa mga kagaguhan ng mga kamote.
Ika nga, walang disiplina.
Panahon na siguro para maibsan ang traffic sa mga lansangan na ibawal na ang mga lumang bus, taxi, tsikot jeepney mga karag-karag na dambuhalang truck echetera para naman makatulong sa pagluwag ng mga daanan ng sasakyan.
Ang mga ito kasi ang kalimitin tumitirik sa lansangan. Tama ba, DOTC Secretary Larry ‘ Boy’ Mendoza, Your Honor?
Ginagawa na rin ng mga kamoteng tsuper ng taxi, jeepney at minsan mga tricycle ang maghintay ng mga pasahero dyan sa mga ilalim ng MRT at LRT na nakakaapekto sa mga sasakyan dumadaan sa mga lugar na pinipilahan ng mga ito.
Ang ilalim ng mga flyover dyan sa may EDSA corner Quezon Avenue ay ginawa naman terminal ng jeep, ang mga bangketa naman todits ay pinayagan paparadahan ng mga kamoteng MMDA kaya tuloy ang mga people of the Philippines my Philippines na dumadaan dito ay sa kalye naglalakad.
Tadtad din ng vendor ang isang lugar dyan sa Elliptical Ave. kasama rin ang mga jeepney na illegal na nagpa-parking todits kaya malaking abala sa daloy ng traffic.
Ano ba ito, MMDA Chairman Bayani Fernando, Your Honor?
Kumilos ka na Chairman bago mahuli ang lahat dahil ang mga driver ng mga sasakyan nagmamadali sa umaga at pauwi sa hapon ay tumataas ang alta presyon kapag naiisip nila ang pangalan mo dahil sa grabeng perwisyong nararanasan.
Hindi rin maayos ng mga autoridad ang sakayan ng MRT at LRT sa umaga o rush hour isa pa ito sa nagiging problema sa traffic.
Hay, buhay pinoy!
Pagkain sa hearing sa Kongreso, libre!
SAYANG as in sayang ang oras sa imbestigasyon regarding sa tinaguriang Alabang Boys dyan sa Kamara dahil batuhan lamang ito ng mga akusasyon na mahirap patunayan porke alaws naman talagang aamin. Tama ba, Idi Amin. Hehehe!
Akusahan lamang na akusahan at kung iisipin ng todo ang korte pa rin sa Philippines my Philippines ang may jurisdiction sa case problem.
Mga kapitag-pitagan resource people ang napapahiya kung minsan samantala ang tinaguriang ‘Alabang Boys’ ang talagang dapat lamang mapahiya.
In aid of legislation. sabi nga ng mga kongresista pero sa palagay ng mga political observer dapat ng tapusin ang kasong ito dahil wala naman pupuntahan?
Iyan ang akala ninyo!
Sa korte, ang nasasakdal, nagsakdal, abogado, witness, prosecutor o Judge, tauhan ng korte, mga tagamasid at tagapanood ay walang pagkain nakakain habang sila ay nasa court room samantala sa kongreso ibang-iba ang dating libre lahat ang tsibog, merienda at mineral water pa ang inumin ng iniimbestigahan, congressmen echetera.
Sino ang nagbabayad dito?
Bakit kasama ito sa budget?
Siguro mas maganda ang funding sa pagkain ay sa mga mahihirap na pasyente na lamang ibigay para mai-pambili ng medicine.
Abangan.