^

PSN Opinyon

Walang kakampi ang kabutihan?

- Al G. Pedroche -

IYAN ang tanong ng marami kaugnay ng nagsosolong krusada ni Pampanga Governor Among Ed Panlilio laban sa mga katiwalian sa lalawigan.

Napatunayan na ng Paring naging Gobernador ang katapatan ng kanyang misyon laban sa katiwalian. Ang P1 milyon isambuwang kita sa quarrying operations sa Pampanga na idinideklara ng administrasyong pinalitan niya ay naging P1 milyon isang araw sa silong ng kanyang makadiyos na pamamahala. Ngunit bakit siya pa ang lumalabas na “kontrabida” at gustong mapatalsik ng kanyang mga kalaban sa pulitika lalu na yung mga galamay ng talamak na jueteng sa lalawigan? Alam kong marami akong kababayang makadiyos diyan sa Pam­panga at ang mga ito ang dapat sumuporta sa krusada ni Among Ed.

Kamakailan ay lumantad si Among Ed para hilingin   sa pamunuan ng PNP na palitan ang OIC ng pulisya sa lalawigan na si Sr. Supt. Keith Singian na aniya’y bigo sa pagsugpo sa illegal numbers game na jueteng. Tahasang sinabi ni Among na ang kinakapitan ni Singian kaya hindi maalis sa puwesto ay walang iba kundi ang Presidential son at Pamp. Rep. Mikey Arroyo. Tsk, tsk, masyadong taliwas ito sa ipinananawagan ni Presidente Arroyo na “moral renewal.” Sabi nga ni Bro. Eddie Villanueva ng Bangon Pilipinas, huwag lang pulos salita kundi lakipan ng gawa ang direktiba ng Pangulo.

Ang tanging nagpapahayag ng suporta kay Panlilio ay yung mga Senador na ang karamihan ay may ambisyong mag-presidente. Nakakalungkot pero parang sumasakay lang sa isyu para sa media mileage. Sana’y huwag naman.

Good for one term lang daw si Among at pagka­ tapos ng isang termino bilang gobernador ay babalik na siya sa pagka-pari. Marami ang matutu­wa kapag nagkataon. Wala nang hadlang sa kanilang lisyang gawain. Kaya lang, ang tanging napatunayan niya ay puwedeng maihalal sa mataas na puwesto ang isang taong may tapat na layunin at makadiyos. Ang hindi pa niya napa­pa­tunayang lubos ay kung maipatutupad niya ang isang platapormang matuwid at ayon sa ka­looban ng Diyos. At iyan ay dahil sa mga mara­ming alagad ng kadiliman na lumalaban sa kanya na ngayo’y gusto pa si­yang sipain sa posisyon. Kailangan pa natin ang mas maraming Among Ed, hindi lang bilang opis­yal ng pamahalaan kundi bilang mamama­yang may pagmamala­sa­kit sa pag-unlad ng ban­sa at tunay na may pita­gan at pag-ibig sa Diyos.

Let’s push for a righteous society and righteous governance. Bilang paghahanda sa 2010 elect­ ions, magkaisa tayo sa pagluklok ng isang Pa­ngulong may mabuting agenda para sa pama­ha­­laan, may kakaya­hang ipa­tupad ito at may takot sa makapangyarihang Diyos.

AMONG ED

BANGON PILIPINAS

DIYOS

EDDIE VILLANUEVA

KEITH SINGIAN

MIKEY ARROYO

PAMPANGA GOVERNOR AMONG ED PANLILIO

PRESIDENTE ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with