MAY katwirang magmaktol si Surigao del Norte Gov. Robert Ace Barbers sa pagkadawit ng kanyang amang si dating Sen. Robert Barbers sa World Bank report ukol sa rigging umano ng road projects sa bansa. Ayon sa report ng WB, naimpluwensiyahan daw ni Sen. Barbers ang bidding ng mga contractors. Pero abot n’yo naman mga suki, na si Sen. Barbers ay pumanaw na tatlong taon na ang nakaraan.
At lumabas na rin siya sa pulitika noong 2004. Dismayado si Gov. Barbers dahil hindi isinapubliko ng World Bank ang kanilang report kung saan naging ugat ito ng bangayan ng mga pulitiko sa ngayon. Aniya, kung totoo man ang report dapat bilang courtesy, bigyan din sila ng WB ng kopya at ng karapatan na magtanong para naman mai-depensa nila ang kanilang ama. “If the report really exists, how can we, remaining members of the family clear the name of our father if we cannot test the veracity of the allegations,” ayon kay Gov. Barbers, hehehe!
Ang hirap talagang idepensa ang tsismis na ikinalat ng kampo ni Sen. Ping Lacson, di ba mga suki? Inabot ko si Sen. Barbers noong opisyal pa siya ng Manila Police District (MPD) at naikober ko pa ang mga pakikibaka niya laban sa mga pusakal sa lipunan. Sumama siya kay Manila Mayor Alfredo Lim sa NBI, naging DILG secretary at naboto ko pa para maging senador. At dahil sa hilaw na akusasyon laban sa kanya, tiyak bumabalikwas na si Sen. Barbers sa kinaroroonan niya sa ngayon dahil tiyak hindi niya matanggap ang WB report. Kung buhay lang itong si Sen. Barbers, tiyak may kalalagyan itong nasa likod ng WB report. Hehehe! T’yak ‘yon, di ba mga suki?
Ang hindi nilinaw ng WB report ay kung paano naimplu wensiyahan ni Sen. Barbers ang mga contractor sa mga proyekto nila. Kahit sino pa ang kakilala ni Sen. Barbers ay magpapatunay na ang puso nito ay para sa maralita dahil “laking kalye” nga siya. Noong DILG secretary at senador pa itong the late Barbers, hindi ba mahaba ang pila ng mga Pinoy sa labas ng kanyang opisina na gustong humingi ng tulong sa kanya? ‘Ika nga may puso’t damdamin para sa mararalita si Sen. Barbers at hindi angkop itong akusasyon ng WB na kasali siya sa road projects bid rigging, hehehe! Baka naman galit lang ang mga Japanese at Chinese contractors kay Sen. Barbers kaya’t niresbakan siya?
Maliwanag na ang WB report ay inakusahan si Sen. Barbers, First Gentleman Mike Arroyo at iba pa sa bar of public opinion. Itong mga akusado ay hindi na binigyan ng karapatan na ma-cross examine man lang ang mga testigo laban sa kanila. Kaya’t maging sa sarsuela sa Senado sa ngayon, kung anu-anong patutsada na ang naririnig natin. Subalit walang linaw mula sa WB kung totoo ba itong report nila o tsismis lang. Kahit ano pa ang kalalabasan ng WB report, ang maliwanag diyan mga suki, hindi maidepensa ni Sen. Barbers ang sarili niya sa ilalim ng demokrasya nga. Hay nakuuu!
Subalit may mungkahi naman si Gov. Barbers para mai wasan ng WB at iba pang mga entities ang ganitong uri ng corruption. Ayon sa batang Barbers, nararapat lang siguro na ang WB na mismo ang pipili ng kanilang contractors sa mga proyekto nila para wala na silang sisihin pang iba. Abangan!