^

PSN Opinyon

Makinarya ni BF binubuo na

- Al G. Pedroche -

DETERMINADO na si MMDA Chair Bayani Fernando sa kanyang presidential bid sa 2010. Talagang nagsisimula nang uminit ang “political fever”. Talakayin natin ito dahil ibig natin makilatis ang mga pumupuntirya sa trono sa Malacañang para makapili tayo ng maayos.

Nagpahayag na umano ng suporta kay BF ang mga bigating politiko sa Ilocos Norte na kung tawagin ay Solid   North. Kasama diyan sina Presidential Cabinet Sec. Silvestre Bello III, Isabela Rep. Edwin Uy, Isabela Gov. Grace Padaca, Laoag Mayor Michael Fariñas, Ilocos Norte Gov. Michael Keon, Solsona, Ilocos Norte Mayor Joseph de Lara at Sarrat Mayor Alberto Ballintona. Malinaw na binubuo na ang political machinery para kay BF.

 Lumilitaw pa sa nakaraang survey na kapantay na ni BF si Sen. Mar Roxas sa pang-7-8 puwesto sa hanay ng may 15 presidential wannabes. Iyan ay batay sa survey ng Issues and Advocacy Center na kasapi sa World Association for Public Opinion Research (WAPOR).

Sa mga proyekto ni BF sa MMDA, may mga naasar at may mga natuwa. Siyempre galit yung mga nasasaga­saan. Halimbawa: Naririyan ang anti-colorum campaign at pagta­taboy sa mga iligal na vendor na sagabal sa lansa­ngan. Anang barbero kong si Mang Gustin, paborito niyang proyekto ni BF ang pagpapatayo ng mga murang silid-panuluyan na kung tawagin ay Gwapotel. Naririyan din aniya ang pag­tatalaga sa mga lugar na dapat mag­sakay at magbaba ang mga pampublikong sasakyan. Nandiyan din ang mga ele­vated u-turn slots, ang mga pedestrian overpasses at mga pink urinals sa daan para sa hindi na makatiis at walang lugar na puwedeng magbawas.

Kontrobersyal ang karamihan sa mga proyekto ni BF dahil hindi puwedeng masi­yahan ang lahat. Sa imple­mentasyon ng ano mang proyekto, may nakikinabang at mayroon ding nasasa­gasaan. Halimbawa, sa clearing ng mga bangketa, gina­gawa iyan sa mga taong nag­lalakad. Pero matutuwa ba naman ang mga vendors na nawalan ng kabuhayan? Pero iyan ang political will. Kung kapakanan ng nakara­ rami kahit pa may ilang ma­sasak­tan ay dapat ipatu­pad. Sa kaso ni BF, timbangin natin ang pangkalahatang epekto ng kanyang mga pro­grama at iyan ang pagbasehan natin kung karapat-dapat ba siyang pumuntirya sa pinaka­mata­yog na posisyong politikal. Binig­yan tayo ng Diyos ng talino para makapag-de­ sisyon ng tama kaya gamitin natin iyan. Sa su­sunod nating mga isyu ay pag-usapan natin ang iba pang mga presidential wan­nabes at kilatisin natin para malaman kung sila’y “worthy of our votes.”

vuukle comment

CHAIR BAYANI FERNANDO

EDWIN UY

GRACE PADACA

HALIMBAWA

ILOCOS NORTE

ILOCOS NORTE GOV

ILOCOS NORTE MAYOR JOSEPH

ISABELA GOV

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with