NANG tinalakay ng Konseho ng Maynila ang “anti-short time” Ordinance 7774 ni Kon. Flaviano Concepcion, Jr., batid ng mga konsehal na may nauna nang Ordinance 4760, pinagtibay noong 1963, na naghigpit sa patakbo ng mga hotel at motel sa lungsod.
Requirement ng Ord. 4760 ang (1) pagrehistro o check-in sa motel lobby (in full view) gamit ang detalyadong forms; (2) pinagbawal ang pagpasok ng mga menor de edad (18 and below) na walang kasamang magulang; at (3) pinagbawal ang pagpaupa ng mga kuwarto nang mahigit sa dalawang beses sa isang araw. Ito ang tugon ng Lungsod sa naobserbahang ‘alarming increase in the rate of prostitution, adultery and fornication in Manila traceable in great part to the existence of motels, which “provide a necessary atmosphere for clandestine entry, presence and exit” and thus become the “ideal haven for prostitutes and thrill-seekers.”’. Sa kasong Ermita-Malate Hotel and Motel Operators Association, Inc. vs. City Mayor of Manila (G.R. No. L-24693, July 31, 1967), inayunan ng Supreme Court na constitutional ang Ord. 4760.
Fast-forward to 1992. Tila hindi yata nasusunod ang Ord. 4760. Diretso sa garahe ang mga taxi o private cars nang walang ta-nung tanong at walang rehistro; walang kontrol ang tauhan ng motel sa edad ng kustomer dahil hindi naman makita o makita man ay di titingnan; at walang patid ang paupa ng kwarto sa “short time” rate na 3 hours lang. Bilang mga ama ng lungsod, hindi matanggap ng konseho na maging inutil sa mukha ng sitwasyong ito.
Kaya isinilang ang “anti-Short time” Ordinance 7774 na mag sisilbing reinforcement sa Ord. 4760. Alam ng mga konsehal na hindi nila kayang kuntrolin ang malayang pagkilos ng mga tao. Pero ayon sa batas (Section 458 (4)(iv) of the Local Government Code), ibinigay sa Konseho ang kapangyarihang “[To] regulate the establishment, operation and maintenance of cafes, restaurants, beerhouses, hotels, motels, inns, pension houses, lodging houses and other similar establishments, including tourist guides and transports.” Kung ang tao hindi kaya i-regulate, ang motel - pwede. Mismong batas ang nagsabi. Kaya pinag bawal ang short time. Sa ngalan ng Health and sanitation, pinatigil ng Konseho ang paulit-ulit na paupa na kwarto.
Ang Ordinance 7774 ay isa sa mga major legislative agenda ng kampanya ng bagong halal na Mayor Lim para ibalik ang dangal ng Maynila, kasama ang paglinis sa Ermita at ang pagbawal ng pornography sa lung sod.
Itong Ord. 7774 ang di neklarang unconstitutional ng Supreme Court ngayong 2009. Mistulang iniangat ang freedom to use motels sa baitang ng freedom of speech at freedom of religion! Nagdesisyon man ang lungsod na respetuhin ang hukuman, sanay hindi nila iti gil ang kampanya laban sa tingin nila’y dapat aksyunan. Kinatay nga ang Ord. 7774 pero ang Ord. 4760 ay buhay pa! Dapat lang na ipatupad ito ng masusi upang mapro teksyunan ang interes ng mamamayan. Bilang mga kinatawan ng residente ng Maynila, ang Konseho ang nasa pinakamagandang posisyon upang alamin, isabatas at ipatupad ang kinakailangan ng mga taga-Maynila.