^

PSN Opinyon

Kapag may bantot tiyak may umutot

- Al G. Pedroche -

TANONG ng barbero kong si Mang Gustin: “Bakit muk­ hang takot na ang mga matataray na Senador kay First Gent Mike Arroyo.

Si Mike Arroyo ay prominenteng personalidad na isinasangkot sa umano’y bid-rigging sa mga multi-milyong proyektong tinutustusan ng World Bank. Ang tinutukoy ni Gustin ay si Sen. Miriam Santiago na bagamat ipinakita ang katarayan sa ginagawang imbestigasyon sa isyu ay tila ang World Bank pa ang idinidiin at pinalalabas na bulaan sa mga akusasyon laban kay First Gent.

Sagot ko naman kay Gustin, natural lamang iyan porke Senador na maka-administrasyon si Miriam. Hindi na siya yung dating tinatawag pang “pandak” si Presidente Arro­yo nang tumakbo sa pagka-Pangulo na ang kalaban ay si Fernando Poe, Jr., a.k.a. “Panday.” Remember, sinabi ni Miriam na “it will be a fight between Panday and Pandak.”

Ganyan ang realidad ng pulitika. Ang kalaban mo kahapon ay posibleng kaibigan mo na ngayon.

At mahirap ispelengin iyang si Miriam. Last week, nag-file ng indefinite leave of absence pero kinabukasan pumasok din. He-he-he – ano ang pakulong iyan?!

Sa ginagawang pagdepensa ng mga admin solons sa esposo ng Pangulo, pati ang kakampi nilang si Sen. Joke Arroyo ay pumipilantik na sa kanila. Tinawag silang “mga duwag!”

Tiniyak ni Joker na kahit siya’y isang administration senator, hindi siya mangingiming usigin ang lahat ng mga kontratistang sangkot sa anomalya pati na si Mike Arroyo kung kinakailangan. Ma­gan­da iyan: Arroyo vs. Arroyo.

Mainit pa ring isyu ang bid-rigging na dahilan daw kung bakit umatras ang    WB sa US$33 milyong National Road Improvement    Project. Iniimbitahan na nga ng Senado ang country manager ng WB na si Bert Hofman para ilantad ang kontrobersyal nilang report tungkol sa anomalya.

Ani Joker, oras na mapa­tibayan ito ng mga ilalantad na ebidensya ng WB, siya mismo ang mangunguna   sa pag-usig sa mga opisyal na kasangkot sa sabwatan, kasama si First Gent.

Ewan ko lang pero m­arahil, malakas ang loob   ni Joker na magsalita nang ganyan dahil nakasiseguro siya na walang maila­lantad na pruweba ang World Bank.

Sige at maghintay pa tayo ng development ka­ugnay nito. Sa ganang akin, bagamat nagbibigay ako ng “benefit of the doubt” naniniwala ako sa kasa­bi­han na kapag may umu­sok, may apoy. Kapag may ban­tot, may umutot. O di ba?

ANI JOKER

BERT HOFMAN

FERNANDO POE

FIRST GENT

FIRST GENT MIKE ARROYO

GUSTIN

SHY

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with