MATATANDAAN na noong nakaraang Sabado naipalabas ng BITAG ang isang CCTV video footage ng kasong panloloob ng sindikato ng bank robbery sa isang bangko.
Naganap ito noong a-15 ng Oktubre taong 2007 sa may E. Rodriguez Avenue, Quezon City.
Pinaniniwalaan ng Regional Police Intellligence Ope rative Unit (RPIOU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na ang sindikatong ito ay pinagsanib puwersa ng apat na kilabot ng grupo ng Panloloob.
Ang Ozamis robbery hold-up group, Alvin Flores Group, Waray-Waray Group at Kuratong Baleleng.
Ang grupong ito rin ang nasa likod ng kauna-unahang midnight heist sa isang softdrinks company sa Novaliches, Quezon City, madaling-araw noong April 14, 2008.
Ito raw yung kauna-unahang matagumpay na panlo-loob ng sindikato ng mga bank robbery na isinagawa ng madaling-araw sa nasabing kumpanya, kung saan natangay ang mahigit apat na milyong piso sa nasabing panloloob.
Magkakahawig ang estilo at may koneksiyon ang kilos at galaw ng mga grupo ng bank robbery sa mga nabang-git na establisyamento.
Mula sa mga suot nitong police uniforms (katulad ng jacket at cap) at pagdadala ng mga high powered guns.
Sa ipinalabas ng BITAG nitong nagdaan lamang na Sabado, maingat naming iprinisinta at ipinalabas ang nasabing panlolob sa kumpanya ng softdrinks.
Dito naipakita ang aktuwal na pananakit ng ilang miyembro ng grupo sa mga empleyadong lalaki ng kumpanya dahil ayaw nitong pagbuksan sila ng pinto upang tuluyang makapasok sa cashier’s office.
Ilang minuto ring nagtagal ang grupo sa labas ng opisina at gamit ang bolt cutter at maso, dinistrongka nito ang pintuan upang makapasok sa loob ng kanilang target.
Maaaring marahas ang laman ng mga videong aming naipakita subalit ito’y mga aktuwal at katotohanang pangyayari.
Nais lamang din ng BITAG na maging babala ito sa mga manonood kung ano ang kanilang mga puwedeng gawin sa ganitong sitwasyon.
Ayon sa major ng Spe-cial Weapon and Tactics (SWAT) ng NCRPO, huwag magtatangkang manlaban sa mga suspek, sumunod sa kung anong ipinapagawa ng mga ito.
Manatiling kalmado at ‘wag makipag- eye to eye contact sa mga suspek dahil dahilan ito upang kayo ay kanilang mapansin at mapagdiskitahan.
Mas mabuting mananatiling buhay raw ang mga biktima dahil sila lamang ang magiging susi sa imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng mga suspek.
Kaya naman, paulit-ulit ang pananawagan ng NCRPO at BITAG, sa sinumang may impormasyon sa natitira pang grupo ng miyembrong ito, itext agad sa 2920 (NCRPO Hotline) o makipag-ugnayan sa BITAG.