^

PSN Opinyon

Banana chips mas mabentang export kaysa microchips

DURIAN SHAKE -

ANG pangkalahatang exports performance ng Pilipinas ay bumagsak noong nakaraang Disyembre ng 40 percent, pinakamababa sa loob ng 20 taon. At ito ay dahil nga sa pagbagsak ng demand ng microchips at electronic products sa mga tinatayang major markets natin sa ibang bansa resulta nga ng pangkasalukuyang global financial crisis.

Ngunit taliwas ang nangyayari dito sa Timog Min­da­nao dahil patuloy ang pagtaas ng volume at value ng mga export products dito na gaya ng banana at banana chips.

Ayon kay Gng. Ronnie Silvestre, Davao Port collector ng Bureau of Customs rito, mas higit ng P230 million ang kanilang revenue collection noong buong taon ng 2008. Nilampasan nila kanilang revenue target na P1.5 billion at patuloy nga na tumataas pa ang kanilang collection noong nakaraang Enero kung ikukumpara noong Enero 2008.

Isa lang ang ibig sabihin noon, na kung babagsak ang demand sa ibang industriya gaya ng electronics, semi-conductors at maging ng furniture at ng accessories, mananatiling mataas ang demand sa pagkain gaya ng saging, pinya at niyog.

Patuloy na tataas ang demand sa pagkain dahil nga mas kailangan ng tao ang pagkain kaysa computers o microchips o mga appliances. Mas kailangan ng mga Japanese ang banana chips lalo na tuwing tag-lamig.

Kaya nga nagkataon na ang mga top export commodities ng Timog Mindanao ay puro agriculture products-banana, pineapple, rubber, banana chips, active carbon, dessicated coconut, gold with silver tuna, charcoal at coconut oil.

At ang mga nasa top 10 exporters ng Davao Port ay pawang mga agriculture companies na pinangunahan ng Dole Philippines, Inc. na sinundan ng sarili nitong ba­nana division na Stanfilco. Nasa top 10 din ang General Tuna Corporation, Tagum Agriculture Development Corporation, Philbest Canning Corporation, Cargill Phil., Inc., Alliance Tuna Int’l. Inc., Celebes Canning Corporation at ang Davao Fruits Corporation.

At kung pag-usapan ang labor situation natin, malaki ang impact ng patuloy na pagtaas ng exports volume at value ng Timog Mindanao. Ibig sabihin na walang malawa­kang tanggalan ng mga trabahador sa agriculture industry.

Ayon sa records ng Department of Labor and Employment dito sa rehiyon, may tinatayang 280 lang na trabahante ang natanggal dito at ito ay hindi dahil sa global financial crisis.

Dahil nga agri-based economy ang Timog Mindanao, lumulutang ang pagiging resilient nito sa harap ng financial turmoil.

At kung wala na ngang bibili ng agri products namin dito, mabubuhay pa rin ang mga taga-Timog Mindanao dahil nga abunda dito sa saging, pinya at maging ng niyog.

ALLIANCE TUNA INT

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

CARGILL PHIL

CELEBES CANNING CORPORATION

DAVAO FRUITS CORPORATION

DAVAO PORT

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

TIMOG MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with